Ang Tunay na Perlas

We were asked to prepare a good night talk for students. Here is what I prepared which, I think, is not only meant for young children, but also for all of us who are asked to surrender something to the Father.

In a special way, I offer this piece to a young friend whom I have not seen for so many years but, one gloomy evening came, confused and afraid with what to do with the pearl he has learnt to keep and love. I pray that like the little girl in this story, he may be able to open his heart to the Father, the source of all true, beautiful and finest pearls we all desire.

Narinig ko itong kuwentong ito noong bata pa akong seminarista. Malakas ang dating ng kuwento sa akin kaya gusto kong ibahagi sa inyo.

Si Ana ay isang 12-taong gulang na niregaluhan ng kanyang tatay ng kuwintas na perlas. Maganda ang mga perlas nito. Kaya lang peke ang mga ito. Pero hindi na bale. Maganda naman ito at bagay na bagay sa kanya. Pinakaiingatan niya ito ng husto.

Isinusuot niya lang ito sa mga ispesyal na okasyon. Nung grumadweyt siya noong nakaraang taon. Nung nag-birthday siya. Nung pasko at bagong taon. At nung dumating ang Santo Papa.

Isang araw, lumapit ang kanyang tatay sa kanya at hinihingi nito ang kuwintas. Dahil pinaka-iingatan niya ito, hindi niya ito ibinigay sa kanyang ama. Malungkot na umalis ang tatay niya.

Nang sumunod na linggo, muli siyang kinausap ng kanyang tatay at hinihingi nito sa kanya ang kuwintas. Ngunit matigas si Ana. Kahit pa peke ang kuwintas, hindi niya maaaring ibigay ito sa iba. Kahit pa sa mismong tatay niyang nagbigay nito sa kanya. Kinagabihan, napaisip siya. Nakunsiyensiya. ‘Mas mahalaga pa ba ang kuwintas ko kaysa sa kasiyahan ng aking ama?’

Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, pumunta siya sa kuwarto ng kanyang mga magulang upang ibigay ang kanyang pinakamamahal na kuwintas sa kanyang ama. Halos mapunit ang kanyang puso dahil ang bigat bigat ng nararamdaman niya. Punong puno ng luha ang kanyang mga mata.

Pero pagka-abot ni Ana ng kuwintas sa kanyang ama, laking gulat niya. Nakangiti ito at may iniabot sa kanya itong isang maliit na kahon. Dali-dali niya itong binuksan. Hindi siya makapaniwala. Ang tumambad sa kanyang paningin ay isang kuwintas na perlas. Katulad nang binigay niya sa kanyang ama. Ang kaibahan nga lang ay tunay ang mga perlas nito.

May mga bagay tayong gustong-gusto sa buhay. Masaya tayo kasi mayroon tayo nito.

Ang kuwintas ni Ana ay maaaring sumisimbolo ng paborito nating laruan, o pag-uugali, o mga kaibigan na maaaring hindi na nakakatulong sa ating pagiging isang mabuting bata. Hinihiling ng Ama na isuko natin ito.

Dahil katulad ni Ana na isinuko ang kanyang pekeng perlas, may inilaan ang ating Amang mas maganda, mas ispesyal para lang sa atin.

This is my SYM Journal Entry  #5-B

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s