Month: April 2015

10 Reasons why Salesian Brothers are Cool

Today is Good Shepherd Sunday. I find this Church event extra special because I have set my eyes toward becoming priest someday. But being a Salesian of Don Bosco, I also am aware that being a good shepherd is not a monopoly of the priests. Don Bosco, our founder, envisioned the Salesian Society to be composed of priests and brothers who are likened to wings of a bird, which in order to fly needs both.

A-Okay! Some young Salesian Brother from the Posntovitiate Community. Photo courtesy of Br. Jomar.

A-Okay! Some young Salesian Brother from the Posntovitiate Community. Photo courtesy of Br. Jomar.

Wanting to highlight in a special way the Salesian brotherhood vocation, I rummaged through my computer and found this piece which I wrote five years ago, when I was still in the philosophate as a younger Salesian.

 ***

I realized that studying could only be enjoyable to a certain extent. This is especially true in studying philosophy. I tell you, it is not a walk in the park. Immersing myself into esoteric subjects such as rational psychology and rational theology over the past semester has greatly exhausted my powers.

And as the cliché goes, I felt the need to reinvigorate my tired body and worn out spirit.

Hence, even before our final examinations, I carefully mulled over the possible means to relax: read books, update my blog, make my presence felt in the Facebooking world, watch movies, make rosaries. My list for possible recreation was legion!

But even before I cast my eye into any of these, one of the aspirants asked me to contribute an article to a publication they are preparing on Salesian lay brothers. No specific topic on the lay brother was given.

And so, it made me reflect on the advantages of being a lay brother.

  1. It is cool to be a religious without the ‘cassock.’
    There is nothing extraordinary with a priest who is kind, generous and leads an upright life. After all, he is a priest. The community expects nothing less from him. It is different, however, with a Salesian lay brother who may not be distinguished as a religious at all since we don’t have a way to recognize him. A lay brother becomes a shining Christian witness by presenting himself to the world as a ‘lay person’ like any ordinary Joe who struggles to lead a holy life.
  1. A Salesian lay brother has relatively more time to spend with the young.
    This is because priests are generally tied up celebrating the sacraments and carrying out their priestly ministries. I’ve experienced this reality a number of times. Priests suddenly vanish due to various circumstances. And most likely, lay brothers get to remain behind to look after and care for the young people.
  1. Lay brothers are outnumbered.
    The 2008-2009 SDB directory (Philippines) reveals that there are only 17 perpetually professed lay brothers as opposed to 150 priests. To push my argument more, see again my second reason. [Br. James Gomez, himself a Salesian brother, helped me check the number of Salesian brothers in the FIN Province. To date, we only have 18 Brothers]
  1. A Salesian lay brother vocation is not for the faint-hearted.
    It is even not attractive to individuals with strong narcissistic tendencies since it asks for more profound selfless sacrifices. For starters, a cleric who distinguishes himself to be “a priest in the future” has better chances of earning pogi points from a crowd than a low profile lay brother who would never become a priest.
  1. A Salesian lay brother does not have to wash (and iron) any cassock.
    Not to mention that the fact that the Philippines, having a tropical climate, is a lot friendlier to Salesian lay brothers. Yes, I know, this may not be a noble reason, but for the pragmatists out there, practicality prevails.
  1. There are more out-of-town seminars for lay brothers than for the clerics.
    Luzon Association of Religious Brothers, an organization of lay brothers from various religious congregations in the northern region of the country, religiously holds seminars and conferences in various parts of the country. Do you want to see the whole of the Philippines? Then, be a lay brother.
  1. The young people need a big-brother figure who will lead them closer to ‘Bro.’
    Enough said.
  1. A lay brother is given more opportunities to put his brain where his heart is.
    This is already given. A priest may have limited options if he desires to specialize in another area other than the realm of theology. For lay brothers, it’s anything under the sun.
  1. Interesting ministries await the lay brother wannabes.
    The ministry is saving the souls of the young is becoming more interesting in the field of the lay brothers. I know of one who happens to be a tour guide at the catacombs in Italy, one is a computer geek, and another one a published researcher.
  1. A lay brother is a Salesian of Don Bosco.
    And as a Salesian of Don Bosco, he offers his life for the welfare of the young people. Now, isn’t that reason alone cool enough?

Ang Mabuting Pastol: Kahandaang mag-alay ng buhay para sa iba

26 April 2015
Linggo ng Mabuting Pastol
Ika-4 Linggo ng Muling Pagkabuhay—Taon B

"...Upang sa gayon, hindi lamang ang hamon ng Santo Papa—na maging amoy tupa rin sila—ang maisagawa nila, bagkus, matularan nila ang halimbawa ng mismong Mabuting Pastol na hindi nangingiming mag-alay ng buhay sa kaligtasan ng Kanyang mga tupa." Litrato ni Br. Jerome Quinto, SDB; Likhang sining ni Br. Paul Dungca, SDB.

“…Upang sa gayon, hindi lamang ang hamon ng Santo Papa—na maging amoy tupa rin sila—ang maisagawa nila, bagkus, matularan nila ang halimbawa ng mismong Mabuting Pastol na hindi nangingiming mag-alay ng buhay sa kaligtasan ng Kanyang mga tupa.” Litrato ni Br. Jerome Quinto, SDB; Likhang sining ni Br. Paul Dungca, SDB.

Isang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang mahalal si Papa Francisco bilang Santo Papa, ibinahagi niya ang isa sa kanyang mga unang pagninilay na tumimo sa isipan at puso ng nakararami ay ang kanyang hamon sa mga kapariang maging isang mabuting pastol.

Aniya, hindi lang daw dapat alam ng mga pari ang amoy ng kanilang tupa, ngunit dahil sa pamamalagi nila kasama ng mga ito, nagiging isa na rin ang kanilang amoy sa kanila.

May kagat ang tinurang ito ng Santo Papa dahil bukod sa magandang pakinggan ito, hindi madaling gawin ang gusto niyang mangyari. Kung inaakala ng maraming naghihintay lang ang mga pari ng tawag upang mag-Misa, magbinyag o magbasbas ng mga bahay o sasakyan, hindi lang ito ang kanilang ginagawa. Marami sa kanila ay mga gurong naghahanda para sa klase nila. Ang iba’y namumuno sa mga opisina. At sa isang bansang napakaraming Katoliko, salat ang mga katulad nilang nangangalaga para sa kalusugan ng ating mga kaluluwa.

Sa darating na Linggo, tampok ang ating Panginoon bilang ang Mabuting Pastol. At kung maigi nating pagninilayan ang ating Ebanghelyo (Jn 10:11-18), maliliwanagan tayong napakaliit lamang ang hamong binitiwan ng Santo Papa kumpara sa kung sino si Hesus at ano ang Kanyang bilang isang mabuting pastol.

Mismong Siya ang nagpatunay na Siya ang Mabuting Pastol. At bilang isang Mabuting Pastol, mayroon Siyang tatlong katangiang binigkas tungkol sa Kanyang  sarili.

Una, ang Mabuting Pastol ay hindi bayaran.  

Walang ipinagkaloob sa Kanyang anumang bagay nang pumayag Siyang mag-ukol ng panahon upang mangaral sa iba’t-ibang bayan, nang gawin Niya ang maraming himalang nagdulot ng kaginhawahan sa buhay ng nakararami, at nang ialay Niya ang Kanyang buhay, wala Siyang ni isang kusing na tinanggap para sa Kanyang sarili.

Siya ay iba sa isang upahang tatalilis na lang kung may makitang dumarating na asong-gubat na maglalagay sa panganib sa kanyang kawan. Hindi nga naman pag-aari ng isang upahan ang kawan, bakit niya kailangang manatili kung ang mismong buhay niya ay malalagay din sa panganib?

Pangalawa, ang Mabuting Pastol ay hindi nang-iiwan.

May mga pagkakataong may mga tupang naliligaw, o kaya nasusugatan, o kaya nangangailangan ng ispesyal na atensyon, naroroon palagi ang Mabuting Pastol upang umalalay sa kanya. Naroon siya upang matiyagang hanapin ang tupa, maingat na gamutin ang sugat nito, at bigyan ito ng ispesyal na atensyon at pagkalinga.

Totoo ngang mayroong paborito ang Panginoon: ang mga sugatan, ang mga maralita, ang mga taong hindi nakalasap ng pagmamahal mula sa iba—sila ang natatangi sa Panginoon. Sila ang higit Niyang pinag-uukulan ng panahon.

Pangatlo, ang Mabuting Pastol ay nag-aalay ng buhay para sa Kanyang kawan.

Mahal man natin ang ating mga alagang hayop—pinapaliguan  natin sila, ‘yung iba dinadamitan pa—pero kapag buhay na natin ang nakataya kapalit ng kaligtasan ng ating paboritong alaga, teka muna, nag-iiba na ang kuwento. Ngunit makatwiran naman ito, hindi ba?  Mas mahalaga ang buhay natin sa kanila. Sa ganitong paraan din, makikita nating mas mahalaga ang buhay ng isang pastol kumpara sa buhay ng isang tupa sa kawan.

Ngunit ibang mangatwiran ang Panginoon. Dahil Siya ay ang Mabuting Pastol, handa Siyang mag-alay ng buhay para lang sa Kanyang tupa.

Ganito rin ang imahe ng mga paring isinantabi ang buhay pag-aasawa upang mapaglingkuran ang mas malaking pamilya ng Diyos.

Nitong isang gabi lang, napuna ko ang isang paring kumakain ng hapunan gayung mag-hahating-gabi na. Nang tinanong ko siya kung bakit huli na siya sa kanyang pagkain, sinabi niya sa aking nag-maneho pa siya para sa mga bisita ng aming seminaryo buhat pa sa ibang bansa. Napa-isip ako, hindi na rin bata si Father, pwedeng sa iba na lamang niya ibigay ang trabaho, pero inako pa rin niya ito.

Ngayong Linggo, inaanyayahan tayong pagtuunan ng pansin ang mga pastol na katulad nila—at maging ng mga kabataang nag-iisip-isip kung kakayanin din ba nilang suungin ang daang tinatahak lamang ng iilan.  Idalangin natin na sana, mas maging mapagmahal pa sila, mas maging matiisin, at mas maging mapag-kumbaba, upang sa gayon, hindi lamang ang hamon ng Santo Papa—na maging amoy tupa rin sila—ang maisagawa nila, bagkus, matularan nila ang halimbawa ng mismong Mabuting Pastol na hindi nangingiming mag-alay ng buhay sa kaligtasan ng Kanyang mga tupa.

Priestly Ordination: You are invited!

Picture1

This is an invitation of a friend who is going to be ordained really soon.

Note that you’ll not be able to see his name above.
Nor from where he is.
Nor the bishop who will ordain him.
Nor the church where the ordination will be held.

The place where the missionary works remains hostile to individuals like them who wish to introduce Jesus to others.
And in order not to put his life in danger and the missionary efforts in jeopardy, certain details must remain undisclosed to the public

But here’s my point.

Help us pray for these missionaries who have bid goodbye to the beautiful possibility of having their own families. They who have chosen to live in a country far from theirs, to learn a language they did not imagine they would understand, to embrace a culture very far from theirs, only for the sole purpose: that more people could know and believe the Good News: Jesus Christ.

Hence, you are invited to pray for them!

Over ‘D Bakod: Video on Seminary Life

Sa darating na Linggo, ika-23 ng Abril, ipagdiriwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol. Pagninilayan natin ang imahe ng ating Panginoong Hesus bilang isang Mabuting Pastol na handang mag-alay ng buhay para sa kanyang mga tupa.

Ang Linggo ding ito ay itinalaga na Pandaigdigang Araw ng Pananalangin para sa mga bokasyon ng mga pari, relihiyoso, at misyonero.

Labing dalawang taon na rin ang nakakaraan ng lumikha kami ng isang video documentary tungkol sa buhay namin sa loob ng bakod (ng seminaryo).

Mula sa kung saan, nahalungkat ko ang matandang videong ito. At parang kailan lang nang ang mga nakapanayam kong si Jake at si Eson ay mga seminarista pa lang. Ngayon, pareho na silang mga pari. Si Itchan naman ay oordenahang na rin bilang isang pari sa taong ito (UPDATE: Isa na siyang ganap na pari!).

Sana, sa panunuod ninyo ng videong ito, mas malaman ninyo ang buhay namin. Nang sa gayon, maisama ninyo rin kami–kahit minsan lang sa isang taon–sa inyong pananalangin.

FIN has a new Doctor!

Don Bosco Center of Studies (DBCS) is proud to announce that there is a new doctor in the house—Fr. Anthony Nguyen Ngoc Dung, SDB. He obtained his Doctorate in Sacred Theology from the University of Santo Tomas (UST), the Royal and Pontifical University of Manila.

IMG_7371

IMG_7373

Fr. Anthony delivers his first lecture as a Doctor. Photos courtesy of Br. Joseph, SDB.

After returning from Papua New Guinea where he was a missionary for some years, he began teaching in DBCS. He began his licentiate at the University of Sto. Tomas in Moral Theology in 2010, and took on his doctorate studies in 2013.

His dissertation is entitled “The Personness and Roles of the Three Divine Persons in the Divine Plan of Salvation from the Perspective of “Acting Person”: John Paul II’s contribution to Trinitarian Theology.

He successfully defended his work last Thursday, April 16, before a five-member panel who grilled him on his paper. He obtained a distinction of Magna Cum Laude at the end of this defense.

The following day, April 17, he delivered his ‘lectio coram,’ which was his very first lecture as a Doctor in Theology, before a panel of theology professors and other members of the academic community of UST. The topic assigned to him by the panel was “Dives in Miserecordia,” which is a chapter of his dissertation. The one-hour lecture he gave merited Summa Cum Laude.  

Fr. Anthony is the current Director of the Institute of Theologic al Formation (ITF) of DBCS.

Congratulations, Dr. Anthony Nguyen Ngoc Dung, SDB!

“Saksi ko kayo!”

Pagninilay sa Ika-3 Linggo ng Muling Pagkabuhay—Taon B
19 April 2015

Tayong nakasaksi ng Panginoon ay may tungkuling mabuhay sa paraang may kinikilala tayong Diyos. ‘Yun bang kahit na hindi natin buksan ang ating mga bibig upang mangaral, sa istilo pa lang ng ating damit, sa simpleng pagkilos natin upang ipakita ang pag-galang sa iba, masasabi ng mga taong kaharap nating, “May Diyos na sinasamba ang taong ito.” Konsepto ni Br. Luke Maloloy-on; Likhang sining ni Br. Paul Dungca, SDB.

Tayong nakasaksi ng Panginoon ay may tungkuling mabuhay sa paraang may kinikilala tayong Diyos. Konsepto ni Br. Luke Maloloy-on, SDB ; Likhang sining ni Br. Paul Dungca, SDB.

Sa pelikulang Spiderman,  napatay ng isang magnanakaw ang tiyuhin ni Peter (siya rin si Spiderman). Labis ang kanyang pagsisisi sapagkat ang taong gumawa nito ay ang magnanakaw na minsan na din niyang pinabayaang makaalpas.

Habang unti-unting nauubusan ng hininga si Uncle Ben, winika niya kay Peter, “Kalakip ng mas higit na kapangyarihan ang mas malaking responsibilidad.”

Ito rin ang mensahe ng liturhiya natin ngayong Linggo.

Sa ating Ebanghelyo (Lu 24:35-48), mapapansing hindi ninais ng Panginoon na magpakita sa lahat matapos Siyang muling nabuhay. Pili lamang ang mga personalidad na Kanyang pinag-pakitaan.

Ispesyal ang tagpong ito ayon sa tala ni San Lucas sapagkat masasalamin ang Kanyang pagnanais na patunayang hindi Siya isang multo o isang pangitain lamang: Kumain Siyang muli kasama nilaSiyang Siya talaga ang Panginoong minsan nang nakasama nilang nagturo kung saan-saan, nagpagaling ng mga maysakit, gumawa ng maraming mga himala, at kumain sa isang piging kasama nila.

Matapos ang kanilang pagsasalu-salo, winika Niya sa kanila “Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.

May kapalit ang pagpapakita sa kanila ng Panginoon, at ito’y hindi isang simpleng libreng palabas lang. Sapagkat sila ang saksi ng Panginoon, hindi na sila simpleng mga tao na lamang—mayroong tungkuling nakaatang sa kanilang mga balikat. Responsibilidad nilang ilahad sa nakararami ang kanilang nasaksihan.

Isa sa mga responsibilidad ng mga nakadaupang palad ng Panginoon ang patuloy na pagbabagong buhay. Lahat tayo ay makasalanan, at kahit na sabihing napagsisihan na natin ito, patuloy pa rin tayong makakagawa ng kasalanan dahil sa ating karupukan.

Ito ang mensahe ng unang pagbasa (Gw 3:13-15.17-19). Kaakibat ng pagkakasumpong sa Panginoong muling nabuhay ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos upang pawiin Niya ang ating mga kasalanan.

Sa pamamagitan ng madalas na pagkukumpisal, pinapakita natin ang ating kahandaang ituwid ang ating baluktot na buhay at sundan ang daang tinahak ng Panginoon.

Ganito rin ang gustong ipaunawa sa atin ng ikalawang pagbasa (1 Jn 2:1-5). May mga sandaling ang ating pagiging mahina ay nangingibabaw. Ngunit sa pamamagitan ni Hesus na ating tagapamagitan, wala tayong dapat na ipangamba.

Ang tumutupad sa Salita ng Diyos ay umiibig sa kanya nang wagas. Ganito natin nalalamang tayo’y nasa panig Niya. Sa ganito din malalaman ng iba na tayo ay saksi ng Panginoon.

Pinapaalala sa atin ni Henri Nouwen na ang unang kautusan na mahalin ang Panginoon ng buong puso, buong kaluluwa at ng buong pag-iisip ay talagang siyang una. Ngunit marami sa atin ay walang habas na nabubuhay na nagbibigay ng kanilang puso, kaluluwa at isipan sa katulad nating mga tao lang—habang pinagsusumikapang sa pag-gawa nito, hindi natin nalilimutan ang Panginoon.

Tayong nakasaksi sa Panginoon ay may tungkuling mabuhay sa paraang may kinikilala tayong Diyos. ‘Yun bang kahit na hindi natin buksan ang ating mga bibig upang mangaral, sa istilo pa lang ng ating damit, sa simpleng pagkilos natin upang ipakita ang pag-galang sa iba, masasabi ng mga taong kaharap nating, “May Diyos na sinasamba ang taong ito.”

Sa pagkakataong iyon, tayo mismo ay naging isang hamak na saksi Niya.

Unawa: Una-awa. Una ang awa.

Pagninilay sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay—Taon B
KAPISTAHAN NI KRISTONG HARI NG AWA
12 Abril 2015

Facebook Cover Photo for the 2nd Sunday, April 12. Graphics by Br. Paul Dungca, SDB

Hinding hindi Siya mapapagod o magsasawang sabihin sa ating “Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Upang sa huli, katulad ni Tomas, maibulalas din nating “Panginoon ko at Diyos ko.!”  Likhang sining ni Br. Paul Dungca, SDB

Ipinagdiriwang natin ngayon ang ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Tuwing sasapit ang Linggong ito, binibigyan natin ng pagpupugay si Kristo bilang Hari ng Awa.

At kapag nababanggit ang awa, hindi magpapahuli ang mga Pinoy.

Ayon sa Dominikanong teologong si Fr. Gerard Francisco Timoner III batid ng mga Pilipino na ang ‘awa’ ay hindi lamang nauukol sa damdamin, ito rin daw ay tumutukoy sa isipan. Para sa atin, tumataas ang antas ng ating kaalaman, kapag nakakaunawa tayo. Unawa. Una-awa. Una ang awa. Upang maunawaan natin ng lubusan ang isang tao, kailangang mauna ang awa. Ang ating pagiging maunawain ay nakakadagdag ng pagiging mas mahabagin natin.

Marahil ganito ang naramdaman ng ating Panginoon nang magkaharap sila ni Tomas sa ating Ebanghelyo natin ngayong Linggo (Jn 20:19-31). Matatandaang tinuran ni Tomas na maniniwala lamang siyang muling nabuhay si Hesus kung makikita niya ang butas ng mga pako sa mga kamay ng Panginoon, at kung maipapasok din niya ang kanyang kamay sa tagiliran nito.

Nauna ang awa ni Hesus kay Tomas. Naunawaan Niya ang kakulangan ng pananampalataya nito. Kaya nagwika Siya sa alagad, Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.

Ito rin marahil ang nais na ipaunawa ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Kaysa sa pag-iisip ng hindi maganda sa ginawa ng isa nating kapatid—sa halip na panghuhusga—maunawaan din sana natin sila.

Katulad ng nabanggit ni Fr. Timoner, ang awa ay hindi lamang pagiging sentimental o pagiging malamya. Ngunit sa pamamagitan nito, nagiging magkayakap ang dikta ng isip natin sa ibinubulong ng damdamin natin.

Naalala ko yung kuwentuhan namin ng isa kong kaibigan ilang Linggo lang ang nakakaraan. Nagtatrabaho siya bilang isang guro sa isang mataas na paralaan. Naipagmalaki niya sa aking may mga dati siyang estudyanteng sinasadya siyang balikan upang kamustahin siya. Aniya, hindi ito ‘yung mga batang valedictorian o nasa honor role, pero sila ‘yung mga naghatid ng sakit ng ulo sa kanya.

Ang paniniwala ng kaibigan ko, kapag tarantado ang estudyante, tapos kinausap ng guro, pwedeng bastusin lang niya ang guro. Hindi nakakagulat ‘yun—tarantado nga yung bata eh. Pero kapag kinausap ulit ng guro yung bata, kahit na alam nitong pwedeng maulit yung pangbabastos sa kanya. At tulad ng inaasahan, binastos nga ulit siya ng bata. Pero Kakausapin niya pa rin, kahit alam niyang paulit-ulit siyang babastusin ng bata.

Tanong sa akin ng kaibigan ko, “Masasabi ba nating walang nagbabago dun sa bata? Hindi. Sa patuloy na pagtitiyaga ng guro doon sa bata, maiisip din siguro nitong, ‘Teka, bakit nga ba patuloy akong kinakausap nitong titser na ito, kahit na paulit-ulit ko siyang binabastos?’”

Malamang ganito din kakulit ang Diyos sa Kanyang kagustuhang kausapin tayo. Kahit na alam Niyang paulit-ulit lang naman natin Siyang ipagwawalang-bahala, susuwayin, at lalapastanganin.  Para sa kapakanan natin, laging una ang kanyang awa. Handa  Siyang unawain tayo. Siya kasi ang Hari ng Awa e.

Hinding hindi Siya mapapagod at magsasawang sabihin sa ating “Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Upang sa huli, katulad ni Tomas, maibulalas din nating “Panginoon ko at Diyos ko!