Month: September 2015

“Ilan nga ba ang langit?”

Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon–Taon B
27 September 2015

27 Sept DB

…Hindi kasi kaibigan o kapit-bahay ang turing natin sa ibang dapat nating handugan ng pagmamahal—ngunit ka-kumpitensiyang kailangan nating daigin, kaaway na kailangan nating patumbahin. Graphics by Mark Anthony Ramos

Ito ang tanong ng isang bata sa nanay niya dahil sa iskwelahan daw nila, may mga kaklase siyang ka-anib sa iba’t-ibang relihiyon. Dahil nga daw ang bawat isa’y may pinaniniwaalaang kanya-kanyang “Diyos,” at “magkaka-iba” ang mga ito, dapat lang na may kanya-kanyang “langit” din ang bawat isa.

Hindi ako sigurado kung napagtuunan na ninyo ng pansin ang bagay na itong tumawag sa atensyon ng bata. Pero ang mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayon ay nalagay sa ganitong kaisipan: Iba kami sa kanila.

Sa unang pagbasa, iniutos ng Panginoon kay Moises na pumili ng pitumpo mula sa kanyang pangkat. Babahaginan ng Panginoon ang mga ito ng Kanyang espiritu upang matulungan nila si Moises sa gawaing pamamahayag.

Ngunit may dalawang pinuno ang hindi sumama sa grupo. At may isang binatang nakakita sa dalawang ito na nagpapahayag na parang nga propeta din. Tinanong ni Hosue kay Moses kung  sasawayin niya ang dalawa. Ang tanong naman ni Moses sa kanya “Bakit? Nangangamba ka bang ako’y mabawasan ng karangalan?”

Dagdag pa ni Moses, “Gusto ko ngang maging mga propeta at mapuspos ng Espiritu ng Diyos ang lahat ng mga Israelita.”

Sa tanong ni Hosue, masasalamin ang kakaibang pag-uugaling mayroon ang marami sa atin patungkol sa mga taong hindi natin katulad: mayroong panglalait, may pang-aakusa, mayroong pang-mamaliit.

At sa pamamagitan ng tugon ni Moises sa kanya, mahimasmasan sana tayo sa katotohanang hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa atin.

Sa Mabuting Balita, halos ganito rin ang eksena.

May nakita ang mga alagad ng Panginoon na nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoong Hesus. At dahil hindi naman sila kabilang sa grupo, pinagsabihan nila ito. Ngunit nagulat sila nang ipag-utos ni Hesus sa kanilang hindi nila ito dapat na ginawa, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ng Panginoon ang agad magsasalita ng masama laban sa Kanya.

Magandang pagnilayan ang sinabing ito ng Panginoon. Para sa Kanya, hindi dapat na ituring na kalaban ang ibang taong hindi natin katulad. Hindi man tayo pareho, pero hindi ibig sabihin nito ay may dahilan na tayo para ituring na kalaban ang iba.

Sa pag-uugaling iyon ng mga alagad, pinamukha sa kanila ng Panginoon, at marahil, maging sa atin din, na buksan dapat natin ang ating isip at puso para sa iba.

Sa sulat ni Santiago sa ating ikalawang pagbasa, mayroon siyang binigay na konkretong halimbawa ng pagkakanya-kanya.  Binigyan niya ng babala ang mga mayayamang hindi pansin ang paghihirap ng kapwa. Dahil bingi sila sa pananangis at pighati ng maralita, mauuwi lamang daw sa kinalawang na ginto at bulok na kayamanan ang inimpok nila pagdating ng huling araw.

Pero hindi lang naman iyong mga may kaya ang dapat na mangamba. Tayo man din na mayroong kakayahang tulungan ang iba, ngunit hindi naman kumikilos upang isagawa ito. Sa jeep halimbawa, isang pasaherong nakaupo sa dulo, nagsisisigaw na upang i-abot ang bayad, pero naging busy ang lahat para hindi siya mapansin. Mahirap bang mag-abot ng bayad ng iba?

Nang dumalaw ang Santo Papa sa bansang Cuba nitong nagdaang linggo lang, naibahagi niya sa mga kabataan doon na dahil sarado tayo sa iba, minsan, mayroon na tayong sariling mundo, at dito na lang naka-sentro ang ating pag-iral.

Ang marami sa atin ay ikinagagalak at ipinagkakapuring sabihin na “katoliko sarado” daw sila. Pero ano nga bang ibig sabihin ng katagang ito? Na tayo lang ang maliligtas? Na ipipikit natin ang ating mga mata at tenga sa paghihirap ng mga taong hindi naman kaanib sa relihiyon natin? Na dahil tayo lang ang may “tamang gawi,” ayon sa sinasaad ng ating Simbahan, tama lang na tingnan natin ng may pang-huhusga ang iba?

May sinabi rin ang Santo Papa na may kaugnayan dito. Kapag ang isang relihiyon daw ay sinarado ang kaisipan sa kanyang mismong sarili lang, nagiging napakaliit lamang nitong kumbento, at nawawala ang kahusayan nitong ituro ang daang patungo sa Panginoon. At ang Ebanghelyo ay nagiging isang ideolohiya na lamang. Ngunit dapat nating matanto na ang Ebanghelyo ay hindi isang ideolohiya, hindi lamang itong prinsipyo, ito’y Mabuting Balita na inihahayag hindi lamang para sa iilan.

Nagbabala si Professor Michael Tan, isang anthropologist, na hindi lang daw tayo nawiwili na hindi kausapin o bigyang pansin ang kabilang kampong tinagurian na nating kalaban, dumarating din sa panahong nagkakaroon na rin ng karahasan. Kaya nga hindi nakakapagtakang hitik ng karahasan ang kasaysayan ng tao. Hindi kasi kaibigan o kapit-bahay ang turing natin sa ibang dapat nating handugan ng pagmamahal—ngunit ka-kumpitensiyang kailangan nating daigin, kaaway na kailangan nating patumbahin.

Nagsimula ako sa tanong, “Ilan nga ba ang langit?”

Ang dalangin ko, sana, tayong nagsimba ngayon at nakapakinig ng Salita ng Diyos, alam ang sagot sa tanong na ito.

Pero ang mas mahalaga, ang ating sagot nawa ay makita sa araw-araw nating pamumuhay.

MBTI and Prayer

Picture1

The idea that our prayer can be influenced by our personality makes sense. And the thought that each of the 16 personalities has the suitable kind of prayer that is meant for it caught my fancy. I think, both stand to reason.

I did the test right after we had the session on Prayer and Personality. Here is the result of my MBTI:

Introvert (31%)   Sensing (1%)   Feeling (47%)   Judging (41%)

Underneath, there is a note: Because you appear to have marginal or no (1%) preference of Sensing over Intuition, characteristics of more than one personality type may apply to you: ISFJ and INFJ.

You can also have an idea of what personality type you have based on MBTI. Go to this site.

I read the descriptions for each of the letters, that is, I-S/N-F-J and assessing how I perceive myself, I would like to agree that the description for each of the letters is more or less accurate. At least, when they refer to how I see myself.

Highlighting the aspects of the relationship and humanitarian concern which relate to my MBTI personality type, I reckon that these two contribute not just to the method, but also to the rhythm of my prayer life.

I feel more drawn to prayer when I feel the need to strengthen my resolve to relate with God, when I feel that I do not seem to pray as I used to in the past which has contributed significantly to how I see my relationship with Him has been nourished for several years now.

My being an introvert has developed in me a particular liking to look for a solitary silent space which is for me something sacred. There, I spend intimate moment with the Lord, away from the noise and concern of the world. This is particularly true when I feel the need to rest after a long day of being with so many people.

This is also true with the tempo of my prayer life.

I note that I am drawn to pray more (length) and more intensely (depth), when I am conscious of a particular intention of someone who needs help. The description of Heiss and Butt in the website provide not just a probable reason, but also, more of an insight:  [The INFJ] in fact, sometimes mistaken for extroverts because they appear so outgoing and are so genuinely interested in people — a product of the Feeling function they most readily show to the world.

Furthermore, “Self-expression comes more easily to INFJs on paper, as they tend to have strong writing skills.” Again, this description once again hits the nail on its head. Not only do I maintain a physical journal, but I have been quite regular in my blogging. In fact, I liken writing to praying. For every stroke of a letter I treat as a crying out to God.

Peeping in the description of ISFJs, I found this: [They] have a few, close friends. They are extremely loyal to these, and are ready to provide emotional and practical support at a moment’s notice. To which I agree wholeheartedly.

Ang Sukatan ng Kadakilaan

Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon—B
20 September 2015

20 Sept FB

Sinasalamin ng mga munting batang ang marami pang mga “maliliit na taong” hindi pansin ng lipunan—ang mga guwardiyang bumabati sa atin araw-araw, ang mga tellers sa express way, mga kasama natin sa bahay, at marami pang iba. Graphics by Mark Anthony Ramos

Hindi ko malimutan ang imahe ng batang si Alan ng nakita ko ang litrato niya sa isang dalampasigan. Maputi ang buhangin nito, kaya naman kitang kita ang kanyang pulang kamiseta. Pero sa posisyon ng kanyang pagkakasubsob sa buhangin, napansin kong hindi siya pumunta doon para maglaro. Tinangay siya ng alon sa puwesto ng kanyang pinag-kakadapaan. Hindi na siya gumagalaw. Wala na siyang buhay.

Indian artist Sudarsan Pattnaik created a sand sculpture of the image of Alan Kurdi's body. Photo courtesy of Getty Images

Indian artist Sudarsan Pattnaik created a sand sculpture of the image of Alan Kurdi’s body. Photo courtesy of Getty Images

Isa siya sa mga pasaherong lulan ng isang bangkang de-gomang lumubog. Walo lang daw dapat ang sakay nito, pero sa kagustuhang mas makapag-lulan pa ng mas marami para mas maraming kita, umabot sa 16 ang pasahero nito. Nakaligtas ang kanyang ama, pero hindi ko alam kung masaya siya. Kasamang nalunod ng bata ang kanyang ina at ang kanyang limang taong gulang na kapatid.

Kawawang mga bata. Tinatakasan nila ang kanilang bansa dahil sa kahirapan ngunit ito ang sinapit nila. Pero hindi na tayo kailangang lumayo. Dito na lang sa bansa natin ay marami ang katulad nila.

Sa ating Mabuting Balita ngayong LInggo (Mc 9:30-37), itinanghal ng Panginoon ang isang bata upang maipakita Niya sa Kanyang mga tagasunod ang landas patungo sa kadakilaan.

Sa konteksto ng mga Hudyo noong panahong iyon, ang mga bata ay pag-aari ng kanilang mga ama at maaari nilang gawin sa mga ito ang kahit na anong kanilang naisin. Masasabing wala silang karapatan.

Ang linaw ng pagkakalahad ni San Marcos kung paanong ang isang bata ay pinagtuunan ng pansin ng Panginoon: Tinawag niya ang isang munting bata, pinatayo sa harap ng matatanda, at kinalong. Dito nagwika ang Panginoon, “Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin.”

Sa pamamagitan ng litrato ng tatlong-taong gulang na si Alan sa dalampasigang iyon, napukaw ang atensyon ng nakararami. Ipinapagpalagay sa isang website na labing limang beses na lumaki ang abuloy para sa mga refugees na katulad nila nang ma-i-upload ang larawang iyon sa internet.

Ngunit kailangan pa bang may susunod na litrato na katulad ng sa kanya upang magising tayo sa katotohanang kailangang ng mga bata ang tulong natin?

Sa aking weekend ministry sa isang parokya, naka-kwentuhan ko ang walong taong gulang na si Boy (hindi niya ito tunay na pangalan). Nang tanungin ko siya tungkol sa kanyang mga magulang, mabilis niyang sagot na ang kanyang tatay ay isang OFW, samantalang ang kanyang ina naman ay nakakulong dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga. Hindi niya na daw natatandaan ito dahil bata pa siya ay nakakulong na ito. Nang tanungin ko siya kung nami-miss niya ang kanyang nanay, ikinalungkot ko ang diretso niyang sagot: “Hindi po. Malaki na ako.”

Sinasalamin ng mga munting batang ang marami pang mga “maliliit na taong” hindi pansin ng lipunan—ang mga guwardiyang bumabati sa atin araw-araw, ang mga tellers sa express way, mga kasama natin sa bahay, at marami pang iba.

Kasama na rin sa kategoryang ito ang mga batang kinikitil ang buhay bago pa sila isilang—dahil sobrang liliit pa nila at hindi pa makakahingi ng tulong, walang halaga sa paningin ng marami, at magiging pasanin lang sa lipunan.

Ngunit malinaw ang mensahe sa atin ng Panginoon: “Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin.”

Para sa Panginoon, ito ang sukat ng kadakilaan. Ang dalangin ko, ito rin sana ang sa atin.

Cardinal Quevedo Reflects on the Eucharist at DBCS

12027789_10153626308842188_4861225224350252354_n

QUEVEDO: Paschal Mystery means “Christ in mission.” Photo by Dcn. Donnie Duchin Duya, SDB

Don Bosco Center of Studies, Parañaque City, 15 September— His Eminence Orlando Cardinal Quevedo, OMI, gave a talk on “The Eucharist as Mission and Dialogue” yesterday, 14 September at Don Bosco Center of Studies (DBCS) in Parañaque City.

He noted that Eucharist as Mission is a major theme in the theological and pastoral reflection for the International Eucharistic Congress (IEC), and that it is necessary to realize “more deeply its implications on personal and communal life.”

Cardinal Quevedo, one of the speakers in the 51st International Eucharistic Congress which will be held in Cebu next year, manifested his being a teacher and pastor through his exposition of the theme.

Recalling his experience of a mother who lined up for communion and received the Sacred Host but gave it to her very young infant, he asked the assembly to ponder on whether “Do we really live what we celebrate?”

In a hall packed with audience composed of nuns, parish priests, theology students, seminarians and lay people, he emphasized that every celebration of the Eucharist is a dynamic commemoration of Christ’s Paschal Mystery. Paschal Mystery means “Christ in mission.”

Thus, by its very nature, the Eucharist has a missionary dimension.

In the second part of his talk, he developed the theme on “Mission as Dialogue.” In the same way that Jesus narrated stories, the Asian bishops also wanted to tell the story of Jesus over merely proclaiming Him.

Cardinal Quevedo was the secretary general of the Federation of Asian Bishops´ Conferences in 2005. A priest for over 50 years, he was elevated to the Cardinalate on Feb 22, 2014.

The talk, a part of DBCS’ Ongoing Formation Seminar Series aims to look forward to the IEC next year. Its last speaker, Sr. Maria Anicica Co, RVM, is scheduled to deliver a talk on The Eucharist, Mary and Evangelization” on 9 November.

Pag-ibig: Tugon ng Pananampalataya

Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon—Taon B
13 September 2015

11998364_10204897848067936_1037070421_n

Bilang mga tagasunod ni Kristo, pi­naalalahanan tayo ng Panginoong sa ating tungkuling alamin at tanggapin ang plano ng Diyos para sa atin. It ang halagang kailangan nating bayaran bilang mga Kristiyano. Graphics by Mark Anthony Ramos

Carmaggedon.

Ito ang bansag sa makasaysayang pagbuhos ng malakas na ulan noong Martes ng gabi na siyang dahilan ng paghinto ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Marami sa mga kaibigan ko ang nagbuhos ng sama ng loob as Facebook dahil tinubuan na daw sila ng balbas sa kalye, inugat na sa paghihintay, at inumaga na sa pag-uwi—marami pa ring sasakyan ang nasa EDSA.

Kung isa kayo sa maraming taong itinuring na tahanan ang EDSA sa magdamag na iyon, at mapapakinggan ninyo ang mga pagbasa ngayong Linggo, hindi ko alam kung makakarelate kayo.

Sa unang pagbasa, (Isa 50:5-9), inilalarawan sa atin ni Propeta Isaias ang nakaaantig na anyo ng “Nagdurusang Lingkod” na buong kahinahunang tiniis ang lahat ng pahirap, at umasa lamang sa tulong ng Panginoon.

Wala siyang sala. Ngunit hindi siya tumutol nang bugbugin siya, nang insul­tuhin, nang lurhan sa mukha. Panatag siyang ang Makapangyarihang Panginoon ang tumutulong sa kanya.

Hindi na pinangalanan ang Lingkod; siguro, hindi na ito mahalaga. Tama na ang halimbawang iniwan niya upang himukin tayong manatiling nakayakap sa ating pananampalataya sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap.

Marami sa atin ang hindi makakapayag na gawin ito. Marami sa atin na kapag masaling lang ng kaunti, aba, teka lang, makikita mo na lintik lang ang walang ganti!

Kung paanong inilarawan ng Lingkod ang kanyang karanasan sa unang pagbasa, ganito rin ang diwa ng mensahe ng Panginoon sa Mabuting Balita (Mc 8:27-35).

Ipinaalam ni Hesus sa Kanyang mga alagad na Siya’y daraan sa maraming pahirap. Hindi lang Siya itatakwil ng makapangyarihan sa kanilang bayan—ipapapatay rin daw Siya!

Agad-agad, makikita natin ang kaugnayan ng unang pagbasa at ng Mabuting Balita, kung paanong buong pagsuko ang pinakita ng Nagdurusang Lingkod sa unang pagbasa, gayundin ang Kanyang kahinahunang tanggapin ang kapalarang naghihintay sa Kanya bilang Lingkod ng Ama.

Bilang pagpapakita ng malasakit, ipinahayag ni Pedro na hindi dapat magdusa ang Panginoon.  Mayroong sariling pananaw si Pedro kung sino si Hesus—kaiba sa mismong paliwanag ng Panginoon kung Sino siya. Ngunit ang narinig ni Pedro’y malayong malayo sa hinagap niya.

Matalim ang mga salitang pinukol sa kanya ng Panginoon upang turuan siya ng leksyon—at maging ang iba pang mga disipulo—ngunit ang mga salitang ito ng Panginoon ay patungkol din sa atin: Iba ang paraan ng Diyos sa tao.

Bilang mga tagasunod ni Kristo, pi­naalalahanan tayo ng Panginoong sa ating tungkuling alamin at tanggapin ang plano ng Diyos para sa atin. It ang halagang kailangan nating bayaran bilang mga Kristiyano.

Kilala rin ng demonyo ang Diyos. Nagbabasa din po ito ng Biblia. Pero ano ang ating kaibahan sa kanya? Nagpupumilit tayong sumunod sa kalooban ng Diyos. Pinagsusumikapan nating buhatin ang ating krus.

Samakatuwid, sa traffic na naranasan ng marami noong Martes, ang nararapat na gawin ay magdusa na lang? Hindi. Tanggapin ito bilang krus na kailangan nating pasananin? Mali.

May isang kolumnista akong nabasa kamakailan na ang tugon sa problema sa trapiko sa bansa ay palitan ang  buong pamahalaan. Siguro, kailangang papanagutin ang ating mga pinuno, ngunit baka naman kailangan din nating tingnan kung saan tayo nagkulang pagdating sa pagpapakita ng disiplina sa lansangan. Baka naman kailangang mas maging mapagbigay pa tayo sa iba, mas maging maunawain, bilang pagpapakita ng ating “paglimot sa ating sarili.”

Sa ganitong pagkakataon marahil natin maipapakita ang ating pagsunod sa Panginoon na pasanin ang krus natin bilang pagtalima sa Kanya.

Pinapaalalahanan tayo ni Santiago sa ikalawang pagbasa (San 2:14- 18) na “Patay ang pananam-palatayang walang paggawa.”

Dahil nananampalataya ako sa Diyos, mas paiigtingin ko pa ang pagpapakita ng pag-ibig sa aking kapwa. Hindi lang sa mga pagkakataong may mga nagagawa silang tama. Kung hindi, pati na rin sa mga pagkakataong parang ang hirap hirap nilang mahalin.

How are we to live as Christians?

9 September 2015
Col 3:1-3
Luke 6:27-32Picture1

In my apostolate stint at St Jose Parish, I met a grandmother who is in her 80s. Her husband died some years ago, when, in one drinking spree, he was stabbed to death by her very own son-in-law.

Her husband died even before they could bring him to the hospital.

When she was narrating the details, I noted that her voice was weak and her gestures frail, but her sad eyes couldn’t fail to express the pain that incident has caused her.

Her next words caught me by surprise, she says, “My son-in-law was imprisoned for some time because of that—but he is now free... I have forgiven him… If I would not, he will surely rot in jail. And who would provide for my grandchildren?

Such a courageous act of forgiveness—of letting go of the pain, and of the hurt, and of the anger—simply because there is something more powerful than all these.

Today we heard a delightful set of readings: St Paul’s letter to the Colossians reinforces the beautiful but bold message of St Luke’s portrait of Jesus, which leads us to confront this question: How are we to live as Christians?

Let us pray, that the way we answer this question today may truly become a beautiful expression of our praise to the Lord.

Coetera Tolle: A Gift to Don Bosco

Don Bosco used the theater as a platform to build confidence in the young and also use it as a medium to showcase God’s love for His people. As such, one of the highlights of FIN’s 200th celebration of Don Bosco’s birth is a stage play entitled Coetera Tolle.

Fr. Dennis Paez, SDB, producer and creative director, explains that Coetera Tolle forms the second part of Don Bosco’s motto, “Da mihi animas, coetera tolle” (Give me souls, take away the rest).

11903739_914661281915991_3174702319553847677_n

The play also tackled about the reality of the lives touched by the Saint of the young through a Salesian priest. Photo by Don Bosco Seminary.

The “Take away the rest is the price Don Bosco was willing to pay that this glory to God may indeed be served.” The production had nine staging, from 24 to 30 August, all held at the Meralco theater in Pasig City.

The cast is composed of 29 young people, pooled in from FIN’s TVET Center in Don Bosco Makati. They come from as far north as Ifugao and all the way to Lanao del Norte in the south. A strong supporting cast was also provided by Tuloy sa Don Bosco Street Children Village. They were all 21 young actors and actresses. The production staff include Salesians, aspirants and lay volunteers.

11906777_914661998582586_6437656761980781383_n

Over 50 young people performed as a tribute to the 200th birth anniversary of St. John Bosco: God’s Gift to the Young. Photo by Don Bosco Seminary.

The story revolves around a Salesian priest whose life has affected the lives of the people living in his midst. It is set in contemporary time, in which the characters are beset with real, day-to-day crisis attacking the current culture.

Interspersed in the plot are three renowned dreams of Don Bosco: (1) Dream at Nine, (2) Dream of the Two Columns, and (3) Dream of the Roses and Thorns. These three dreams are deemed Don Bosco’s legacy to his children.

11898534_914661178582668_1673361384298718147_n

The Majestic Dream of Two Columns. Photo by Don Bosco Seminary.

The whole production is sandwiched with the two moments in which Don Bosco wept—First, when he woke up after the dream at nine, disoriented, confused, and afraid as to the significance of that dream and second, when one moment in his waning years, during his celebration of the Eucharist, he could not but weep profusely after recognizing how God’s hands wrought everything into its rightful place. He understood everything now.

11225434_914661345249318_3868437242676978626_n

A tete-a-tete between conferes. Photo by Don Bosco Seminary.

Br. Paul Dungca, SDB, the script writer, notes that “As this momentous event of the bicentenary birth of Don Bosco coincides with the Philippine church’s celebration of the year of the poor, it is but fitting that the narration of the story of the saint is woven into the story of poor young people he lived and died for.”