Month: October 2015

“Kaya ko ring maging Santo!”

Kapistahan ng mga Banal
November 1, 2015

nov1_allsaintsday

“Kaunting bato, kaunting semento, monumento!” Madalas, ito ang tingin natin sa mga santo: isang statwa. Ngunit malayo ang kalagayan ng isang statwa sa isang santo. Malayong malayo. Graphics by Prenovice Jonas Lacson.

Ang sementeryo sa La Loma, sinasabing ang pinakamatandang sementeryo sa kamaynilaan, ang destinasyon namin ni Mama kapag sumasapit ang panahong ito. Bitbit ang mga biniling bulaklak galing sa Dangwa, mga kandila, at ilang makakain, gugugulin namin ni Mama ang pagdarasal ng rosaryo sa puntod ng aming mga yumaong kamag-anak.

Sa kapal ng daluyong ng mga taong pumapasok at lumalabas sa sementeryo, hindi ko maiwasang hanapin sa arko ng sementeryo ang mga salitang “Campo Santo,” isang posibleng salin sa Tagalog ay “kuta ng mga santo.” Hindi man kilalang santo ang mga nakahimlay doon, ngunit dahil binyagang mga Kristiyano sila, kinikilala ng Simbahan ang kanilang pagpupunyagi upang mabuhay sa daan ng kabanalan, sa landas patungo sa Panginoong Hesu-Kristo.

Ang litrato ay mula sa www.theurbanroamer.com

Ang litrato ay mula sa http://www.theurbanroamer.com

Ngayong araw, ginugunita natin ang kapistahan ng mga banal na katulad nila. At kung mayroong pinakamahalagang mensahe ang araw na ito sa bawat isa sa atin: Tayong lahat ay inaasahang maging santo!

Sa Unang Pagbasa, nahayag ang isang pangitain kay Juan. Tumambad sa kanyang mga mata ang napakaraming mga banal. Napakarami daw nila na hindi kayang bilangin ninuman! Inilarawan niya na “Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.”

Isinulat ang Aklat ng Pahayag sa panahong dumaraan sa matinding problema ang bayang Israel. Sakop sila ng mga mababangis na kalaban, ngunit sa dilim ng hinaharap, mayroong kislap ng liwanag na nagbigay sa kanila ng pag-asa, “Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”

Ang pagiging banal ay hindi naman ibig sabihin na wala silang pagkululang, na wala silang kasalanan. Ngunit ito’y pagpupunyagi na sa gitna ng mga pagsubok ng buhay, naroroon ang ang pagsisikap na sundin ang kalooban ng Diyos. Ang ganda ng linyang #hugot  ng manunulat na si Oscar Wilde. Sabi niya, “Every saint has a past, and every sinner has a future.”

Sa Ikalawang Pagbasa, ito rin ang binibigyang diin ng sulat ni San Juan. Tayong ang inaasahan ang Panginoon ay tumutulad kay Kristo, nagsisikap maging malinis. Pinapaalalahananan niya tayong tinatawag tayong mga anak ng Diyos. Sa bawat pagpupunyagi nating daigin ang masama, lupigin ang kasalanan, pinapatunayan natin ang katotohanang ito.

Kaya nga, may mga kakilala tayong alam nating hindi naman mga talagang banal, pero andoon ang pagsisikap upang maging mabuti, upang maging “ilaw at asin ng sanlibutan,” pinapakita nila sa atin na higit na mas nagkakaroon ng kahulugan ang buhay sa bawat pagtindig sa sandaling madapa.  Hindi dahil kaya nila itong mag-isa, ngunit dahil mayroong Diyos na palagiang kaagapay nila. Tunay na tunay, mapapalad ang mga banal dahil mayroong Diyos!

Mayroon akong narinig na ganitong kasabihan “Kaunting bato, kaunting semento, monumento!

Madalas, ito ang tingin natin sa mga santo: isang statwa. Ngunit malayo ang kalagayan ng isang statwa sa isang santo. Malayong malayo. Sa liham ni Juan Pablo II, sabi niya, ang kabanalan ay hindi lamang isang antas ng buhay, ngunit isang tungkulin.

Ganito ang isinasaad sa ating Mabuting Balita. Malinaw na iginuhit ni San Mateo ang larawan ng mga banal na mismong halaw sa katangian ng ating Panginoon. Hindi lang dapat na mayroon silang personal na pakikitungo sa Diyos (5:3-6); ang relasyong ito ay mayroon ding dapat na kaugnayan sa iba (5:7-12).  At sa ating nakaganap sa hamong iyon, dapat tayong “Magdiwang at magalak, sapagkat malaki ang [ating] gantimpala sa langit.”

Kapag nagdiriwang ako ng sakramento ng binyag, madalas kong itanong sa mga magulang kung ano ang pangarap nila sa kanilang mga anak. Madalas, naibubulalas nila na gusto nilang magkaroon ito ng magandang buhay. Makatapos ng pag-aaral. Maging doktor, abogado, engineer. Ngunit sa mata ng Simbahan, ang pinakamainam namaaari nating pangarapin para sa isang mahal na buhay ay maging isang santo. Dahil sa pagiging isang banal, masusumpungan natin ang kaganapan ng buhay ng isang tao.

Habang nagpupugay tayo sa mga santo, hamunin din natin ang ating sarili, “Sa tulong at biyaya ng Diyos, kaya ko ring maging Santo!”

Advertisements

We Stand on the Shoulders of the Giants!

Feast of Sts. Simon & Jude
October 28, 2015

Maryknoll Missionary Fr. James Kroeger shares to us the missionary dimension in the life of the Blessed Mother.

Maryknoll Missionary Fr. James Kroeger shares to us the missionary dimension in the life of the Blessed Mother.

The English expression “standing on the shoulders of giants” fascinates me.

Perhaps because it gives a vivid picture of how standing on one’s shoulders—much more, on the very shoulders of giants—makes a whole lot of  difference in helping one to see more, in reaching greater heights by building on the works of those previous ones who have come before us.

In our very own FIN province for example, I can easily think of the “giants” whom I personally encountered: Fr George Schwartz, Fr. Luis Iriarte, Fr. Pepe, Fr. Alton Fernandez, to name a few. Their valuable contributions to the ground-breaking work of Don Bosco in the Philippines, in forming the Filipino youth to become “good Christians and honest citizens,” will surely last for a lifetime.

And we who are here—Filipinos and foreigners alike—follow their steps in continuing the ministry they have begun.

This is what Paul affirms in our first reading, he tells us that we make up the house whose “foundations are the apostles and the prophets,” and what is more, the very cornerstone of this house, its very capstone, is our Lord Jesus, who is the Good News of the Father.

Last night, Br Marc and I went to the shrine to attend the talk of the renowned missiologist Fr. James Kroeger. He began his talk with an exposition on how Paul VI through Evangelii Nuntiandi understands evangelization. He sees it as the “bringing of the gospel to all strata of humanity,” in the words of our responsorial psalm, to “bring the message throughout all the earth.”

This must have been the reason why there is also diversity in Jesus’s choosing of His closest followers:

The Gospel we just heard proclaimed, the account of St. Luke highlights the important detail that Jesus prayed the whole night before finally naming his apostles… Jesus prayed the entire night.

Towards the conclusion of the same Gospel, we find Jesus, in the garden of Gethsemane, gently harking back on His disciples to pray. St. Luke paints an image of Jesus who does not just bring about healing and miracles, but someone who is intimately connected with the Father through His life of prayer.

Today, we honor two apostles, Sts. Simon and Jude, who have learned from the feet of the Divine Master how to pray, how to forge an intimate relationship with the Father. We do not have records to prove that they did amazing things in their missionary work. But this we know, they have remained steadfast in bringing the gospel to all strata of humanity, they have remained steadfast in living up to the demands of the faith, and they prove this up until giving up their lives for what they believe in.

Our liturgy makes us realize that our ministry is built on the work and lives of these great apostles. Emboldened by this truth makes us all the more grateful to the Lord in calling us to work on His vineyard, to stand on the shoulders of these His giants, as He invites us to keep on cultivating intimate relationship with His Father through our life of prayer.

“Magaling ka na dahil sa iyong Pananalig”

Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon–B
25 October 2015

30 sun

Mahirap ang buhay. Kung hindi natin ito ramdam, ito ang ipinababatid ng ating mga pagbasa ngayong Linggo. Ngunit mayroon tayong Diyos na napakayaman sa pag-ibig. At kung sakaling malimutan natin ang katotohanang ito, nawa’y ang mensahe ng Panginoon kay Bartimeo ang magbigay sa atin ng lakas ng loob, Manalig tayo sa Diyos. Graphics by Br Paul Dungca, SDB.

Matapos pabagsakin ng mga Assyrians ang bayang Israel, ipinatapon naman ang mga nakaligtas sa Babilonya. Mananatili silang bihag doon sa maraming panahon. Nagtatanong sila kung bakit nagkaganoon. Tunay na ba silang pinabayaan ng Panginoon? Ngunit sa gitna ng kanilang kahirapan, punong puno ng pag-asa ang mensahe ng ating unang pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Jeremias, “Magpuri kayo at inyong ipahayag na iniligtas ng Panginoon ang kanyang bayan, ang mga nalabi sa Israel.”

Kaya naman tayong may mga pinagdadaanan, tayong mga nalulumbay ay may dahilan na patuloy na umasa. Bakit? Sapagkat, ang Panginoon ang mismong nagsabi, sa pinaka-unang linya ng unang pagbasa, “Umawit kayo sa kagalakan.”

Ang balitang ito ay inihayag sa panahon ng kanilang pagkabilanggo sa dayuhang bayan. At marami-rami pang taon bago sila tuluyang makakabalik sa kanilang bayan. Ngunit marahil, ang magandang balitang ito ay sapat na upang mabigyan sila ng dahilang patuloy na umasa. Alam nilang napakalaki ng pagkukulang nila sa Panginoon. At alam din nilang wala silang karapatang tanggapin ang kaloob na ito. Maaaring ipagpalagay na isa sa mga dahilan kung bakit sila nalupig ng kanilang mga kaaway ay upang linisin ang kanilang bayan.

Ngunit gayunpaman, ang napakagandang supresa ito ay nagpabatid sa kanilang hindi kailanman nagpabaya ang Ama. Lagi Siyang nakatunghay sa kanila.  Sa katunayan, mula sa kakaunting muling babalik sa bayan ng Israel ay hindi lamang iyong mga malalakas, pati iyong mga bulag at mga pilay ay titipunin din Niya mulsa sa mga sulok ng sanlibutan.

Noong nasa kolehiyo ako, tinanong kami ng aming guro kung ano ang katangian ni Rizal na namumukod-tangi. Sinagot ito ng isa sa aking kaklase na “mabait siya.” Hagalpakan kami sa kakatawa. Halata kasing nambobola lang siya.

Ngunit hindi bola ang pag-ibig ng Diyos. Ito’y konkretong masusumpungan sa Kanyang Anak, ang Panginoong Hesukristong sumalamin sa Kanyang walang hanggang pagmamahal para sa atin. Matutunghayan natin ang iba pa niyang katangian sa ating ikalawang pagbasa mula sa Sulat para sa mga Hebreo.

Batid ng Panginoong Hesus ang ating kahinaan sapagkat naging tao Siyang katulad natin. Nauunawaan Niya ang ating mg pinagdadaanan. Batid Niya ang pakiramdam ng mga taong takot, gutom, ulila, nalulumbay, nagtatanong, walang matirhan, mga bilanggo. Hindi Siya nakatunghay lang sa malayong lugar.

Siya ang Dakilang Saserdoteng nag-uugnay sa atin at sa Ama. Siya ang konkretong larawan ng pag-ibig ng Diyos.

Ang katotohanan ng Kanyang pagiging mahabagin ay masusumpungan natin sa ating Mabuting Balita. Pinatunayan ni Hesus na katulad ng kalayaang ipinagkaloob sa Bayang Israel sa unang pagbasa, maipapanauli Niya ang paningin ni Bartimeo, isang bulag na humingi sa Kanya ng saklolo: gusto niyang makakita.

Nanalig si Bartimeo sa kabutihan ng Panginoon. Nang ipatawag Siya ni Hesus matapos na madinig ang kanyang daing, mabilis siya “tumindig,” “iwinaksi ang kanyang balabal,” at “paluksong tumayo” upang makalapit sa Panginoon. At nalasap Niya ang kaganapan ng pagmamahal ng Diyos. Mula sa matagal na buhay na nakapiit sa bilangguan ng kadiliman, nasumpungan niya, sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, kung paano ang mamuhay sa liwanag na dulot ng Diyos.

Makapangyarihan ang Diyos at walang pagsidlan ang Kanyang pag-ibig. Ngunit mahalagang bigyan ng pansin ang katangian ni Bartimeo na nagsikap na tumawag sa Panginoon. Nanangis siya, nagsusumigaw upang mapag-tuunan ng pansin ng Panginoon. Hindi nga ba’t pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik? Ngunit desidido siyang wala nang iba pang makakatulong sa kanya. Ang Panginoon lamang ang kanyang tanging pag-asa.

At hindi siya nagkamali. Nakamit niya ang biyayang kanyang  inaasam-asam. At ang Panginoon mismo ang nakatunghay nito at Siya’y nagwika, Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.

Mahirap ang buhay. Kung hindi natin ito ramdam, ito ang ipinababatid ng ating mga pagbasa ngayong Linggo. Ngunit mayroon tayong Diyos na napakayaman sa pag-ibig. At kung sakaling malimutan natin ang katotohanang ito, nawa’y ang mensahe ng Panginoon kay Bartimeo ang magbigay sa atin ng lakas ng loob, Manalig tayo sa Diyos.

Double life, authentic life

29th Sunday in Ordinary Time–B
21 October 2015

As the boat leaves the Batangas port yesterday, one brother hurriedly uploads a group photo in his Facebook account, which is taken inside the seacraft. It is accompanied with the caption “We’re sea ready.”

It didn’t generate many likes.

image

But the many comments made as a response to it caught my fancy insofar as they indicate how the activities we do in the online world extend their reach in the offline context.

The comments to the same photo unmistakeably express the concern of the people to our community. Afterall, news have it that the epicenter of the earthquake we experienced the other night can be found right in this very island we are in. Not to mention the fact that the last typhoon which swamped certain regions of the Philippines has not yet totally left the country.

Br. Jerome assured me that the sea is safe. And if there is a possibility that the sea will be rough, it would just be sometime  in the afternoon. This piece of information he found out by consulting some trustworthy source in the cyberspace.

Indeed, there’s an intimate link between our use of the Internet with how we conduct our lives in the real world.

In more ways than one, there is somekind of a conformity between the two–something which is wanting in the foolish servant in the parable which Jesus narrated in our Gospel.  For the foolish servant embodies a person who leads a double life: One when his master is within his reach, and a complete opposite of this, when no one looks around.

Jesus hails the trusthworthy servant who lives an authentic life–with or without the master in sight. Jesus promises him–and those who fall under his ilk–a great reward.

One Salesian I look up to, would say that one could tell whether a seminarian really prayed is to wait for the meditation and the Mass to finish, to gauge him as he steps out of the chapel–and see how his prayer is translated to life. Fr Bonetti would pound on us to see that our prayer life ought to be evaluated in the light of the quality of our love life. Have we been more patient? More understanding? More compassionate?

The night before Fr Jonil was brought to the ICU last week, we visited him. His cough was giving him a real hard time. The visitors who were there in his room were in fact dutifully helping out in expelling phleghm. He was in a sorry state. His mouth sores caused by the chemotherapy prevented him from speaking.

And yet, when he heard from Fr. Beng that one of the prenovices who is there for a visit is celebrating his birthday the next day, he asked for the white board and wrote there “bring them to Starbucks!”

We tought, in the midst of pain and of difficulty, he even tought of us. We’re really edified. Here is a Salesian who has not stopped to become a sign and bearer of love even in the bed of sickness.

When the master comes, we hope that He sees us working, faithfully putting into our lives what He has taught us.

This is what St. Paul in our first reading has endeavored to inculcate in us: Always be on our toes against our enemy: sin. Lest, resting too confidently in our new state of grace, we become careless, and again falling under its sway, become subject to its tyrannical dominion.

True. Temptations come. And we are weak. The possibility of not committing sin is almost nil, but with the psalmist, we remain courageous and hopeful to say:  Our help is in the name of the Lord.

Tagasunod ni Kristo, Lingkod ng Panginoon

Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon—B
18 October 2015

29 sun

Ang daan patungo sa Panginoon ay makitid, at batbat ng pasakit. Nawa, sa pamamagitan ng katawan ni Kristong ating pinagsasaluhan, magkaroon tayo ng lakas ng loob, at tibay ng sikmurang sumunod sa Kanya sa daan ng krus na Kanyang tinahak. Graphics by Br. Paul Dungca, SDB

Sa ‘initiation rites’ na pinagdaanan namin bilang mga junior seminarians, mayroong ipinainom sa amin mula sa isang plastic cup. Hanggang ngayon, sariwa pa sa panlasa ko kung ano ang laman niyon: kape, suka, asukal—at sabi ng isa sa mga higher years na nag-organize nito, nilahukan pa daw ito ng dinurog na mabolo!

Ang tanda ko, 13 kaming uminom ng laman ng basong iyon. At sa huling bilang ko, apat na lang kaming nagpatuloy. Ang karamiha’y pinili ang buhay sa labas. Pwedeng sa labas nila nasumpungan ang tawag sa kanila. O ‘di kaya naman ay dahil mahirap nga ata talaga ang buhay sa loob.

Sa Mabuting Balita, maririnig natin ang pagnanais ng dalawang alagad ng Panginoon na uminom din mula sa basong iinuman ng Panginoon. Kung sa panahon natin ito magaganap, ito ang maibabansag sa dalawang: mga #feelingero!

Ngunit ang pag-inom sa basong iinuman ng Panginoon ay sumisimbolo sa kahandaan nilang isagawa ang misyong ibibigay sa kanila, kahit pa may kalakip itong paghihirap. Ang diretsang tanong ng Panginoon sa kanila at ganito: Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? At walang kagatol-gatol, ang sagot nila ay ganito: Opo.

Sa unang pagbasa, pinapaalala sa atin ang paghihirap na dinaanan ng matuwid na Lingkod. Ngunit sa paghihirap niyang ito hindi siya mag-iisa, tatanglawan ang kanyang daraanan patungo sa kalooban ng Diyos. Kung kaya naman ang kanyang paghihirap at pagdurusa ay magsisilbing isang alay, isang kaloob. Tanda ko ang katagang paboritong sambitin ng isang paring misyonero “something to suffer, something to offer.”

Iyon marahil ang nagbigay ng lakas ng loob sa Lingkod upang mapagtagumpayan ang mga paghihirap na kailangan niyang suungin. Hindi na natin marahil kailangan pang paalalahanan na mahirap ang buhay. Ito’y isang realidad na araw gabi’y kasama na natin. Ngunit marahil, nalilimutan nating may kahulugan sa likod ng paghihirap na ito. Katulad ng Lingkod na sinuong ang maraming pasakit, nawa’y maging batid tayo sa katotohanang may pupuntahan ang ating pagsasakripisyo.

Nitong taon lang, nagkasakit ang tatay ng isa kong kaibigan. Kailangan nilang gumastos upang matustusan ang pagpapa-pagamot sa kanya. Makalipas ang ilang buwan, kamakailan lang, binawian ito ng buhay. Mabait ang kaibigan mo. Madasalin. Mapagkawang-gawa, nagsusumikap tupdin ang kalooban ng Diyos. At sa nangyaring ito sa buhay niya at ng kanyang pamily, napatanong ako, Ano kaya ang nais ipahatid ng Diyos sa karanasan niyang ito?

Nitong linggo lang, ipinagdiwang natin ang kapistahan ni Sta. Teresa. Napakalapit ng babaeng ito sa Panginoon. Minsan, sakay ng isang karitela patungo sa isang bagong bukas na kumbento nasira ang karitela at bumagsak siya sa putikan. Walang kagatol-gatol, nasabi nito sa Panginpon “Hindi ako nagtatakang kaunti ang mga kaibigan mo. Dahil ganito mo sila ituring.”

Nakausap ko ang nanay ng kaibigan ko, ang tanging nasabi ko sa kanya, magpakatatag siya. Ako ang nagulat sa tibay ng kanyang dibdib. Alam niyang nandoon pa ang kanyang mga anak. At sa pamamagitan nila, ramdam niya ang tulong ng Panginoon. Hindi siya nag iisa.

Ganito marahil ang tinutumbok ng ikalawang pagbasa. Inaanyayahan tayong tingnan ang ating Panginoong Hesus bilang isang dakilang saserdote. Sa Bibliya, ang tungkulin ng pari ay ipamagitan ang tao at ang Diyos sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga panalangin at paghahain niya ng sakripisyo.

Ngunit si Hesus ay hindi lamang isang paring naghandog ng alay—Siya mismo ang sakripisyong ating inialaay upang maipanumbalik ang ating nasirang relasyon sa Ama. Sa pamamagitan ng kanyang dugo, nagkaroon tayong muli ng bagong buhay.

Nang ordinahan ako bilang isang diakono, umiinom na rin akong madalas sa kopang iniinuman ng pari tuwing ipinagdiriwang ang banal na Uukaristiya. Madalas, nahuhuli ko ang aking sariling bumubuwelo muna bago tuluyang tunggain ang dugo ng Panginoon na nasa anyo ng alak. Hindi kasi ako nasanay na uminom ng alak. Mayroong pait, at kaunti pa lang ang naiinoam ko ay madali akong tamaan. Ngunit alam ko din na sa bawat pagtungga ko sa kopa, naroon ang alingawngaw ng paanyayang binigay sa mga alagad, ang hamon ng Panginoon: Kaya mo bang batahin ang hirap na kailangan Kong pagdaanan?

Tayong mga binyagan ay nakikiisa sa hamong ito na binigay sa mga alagad. Ang daan patungo sa Panginoon ay makitid, at batbat ng pasakit. Nawa, sa pamamagitan ng katawan ni Kristong ating pinagsasaluhan, magkaroon tayo ng lakas ng loob, at tibay ng sikmurang sumunod sa Kanya sa daan ng krus na Kanyang tinahak.

Wala nang mas titimbang pa sa Panginoon!

Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon—B
11 October 2015

28 sun

Ang pangungusap na ito ay punong puno ng kahulugan. Sa wikang Inglis, ang pagkakasalin nito’y Jesus, looking at him, loved him … Tiningnan siya ng Panginoon, at minahal Siya nito. Naramdaman marahil ng Panginoon ang kanyang pagnanais na makamit ang buhay na walang hanggan. Graphics by Br Paul Dungca, SDB.

“Magiliw siyang tiningnan ni Hesus.”

Ito ang klase ng tinging iniukol ng Panginoon sa mayamang lalake matapos nitong sabihin sa Kanyang tinutupad naman niya ang mga kautusan mula pa noong bata siya. Gusto niya kasing marinig mula sa Panginoon kung paano makamtan ang buhay na walang hanggan.

At ito ang itinugon sa kanya ng Panginoon magiliw siya nitong tiningnan.

Ang pangungusap na ito ay punong puno ng kahulugan. Sa wikang Inglis, ang pagkakasalin nito’y Jesus, looking at him, loved him … Tiningnan siya ng Panginoon, at minahal Siya nito. Naramdaman marahil ng Panginoon ang kanyang pagnanais na makamit ang buhay na walang hanggan. Ngunit batid ng Panginoong hindi ito mangyayari—at hindi na kailangan pang magsalita ng lalaki.

Nais nga ng lalake na makamit ang buhay na walang hanggan. Ngunit mayroong mas mahalaga pa dito. Isang bagay na hindi niya kayang talikuran: ang kanyang kayamanan.

Tayo rin naman ay katulad din ng binatang mayamang lumapit sa Panginoon. Marami sa atin ang nagnanais na makamtan ang buhay na walang hanggan. Kaya nga kahit papaano, sinisikap nating mag-simba at magpakabuti. Gusto rin nating maniwala sa sinasaad ng ikalawang pagbasang kung paanong ang Salita ng Panginoon ay ultimong isang espadang may kakayahang manakit, humihiwa at sumusugat. Hindi tayo puwedeng kumportableng makinig lang sa isang tabi. Dapat itong sumugat sa atin upang magising tayo sa katotohahanang hindi lang isang biro ang maging isang binyagang Kristiyano.

Sa susunod na taon, idadaos ang concert ng isang sikat na singer sa bansa. Dahil nga sikat siya, marami sigurong  bibili ng tickets: P 3,000 ang pinakamura, at  ang pinakamahal nama’y mahigit na P 50,000 ang halaga. Ang mahal ‘di ba? Pero sigurado akong mapupuno ang venue ng concert, kahit na halos langit ang presyo ng tickets. ‘Ika nga, kung ayaw may dahilan; kung ayaw may paraan!

May bayad din po ang pagpasok ng langit, may kapalit ang buhay na walang hanggan. At maling sabihing “parang sisiw” lang ang pagiging isang Kristyano! May hinihingi ang Diyos na kailangan nating isuko, sagabal kasi ito upang maunton natin ang daan patungo sa Kanya.

Mayroon sa’ting pusong hindi natin mapakawalan dahil mas matimbang pa ito sa pagmamahal natin sa Panginoon. Hindi lang siguro ito yaman. Puwedeng isang bagay na nakagawian na nating nagdudulot ng paglawak ng distansya natin sa Diyos; isang taong hindi natin maiwaksi sa ating buhay na namamagitan sa atin at sa Panginoon; o di kaya nama’y pangarap na maglalagay sa atin sa panganib na mawala sa landas patungo sa Diyos.

Hilingin natin sa Panginoon na katulad ni Haring Solomon sa unang pagbasa, pagkalooban din tayo ng karunungang makita ang katotohanan, upang sa pamamagitan nito, mapalaya natin ang ating puso sa pagkakabihag ng ibat-ibang uri ng  yamang nagpapalayo naman sa atin sa piling ng Panginoon.

[Video] Deacons?

What is the essence of being a ‘deacon’?

Adrian Manansala, one of our aspirants in Canlubang sought to answer this through a short, snappy and super cool (note the alliteration?) video presentation. Apparently, the output is for one of his theology subjects. Using the video as a medium, he sought to reflect on what the diaconate order means. He made use of the letters d-e-a-c-o-n-s as a mnemonic device.

Just one thing, though—a disclosure is in order. He contacted me to answer some questions relevant to this. Hence, do expect that you’ll see me somewhere in the presentation. To be forearm is to be forewarned.

But despite my being there, the video is superb. You need to watch it. Surely, I’ll feature Asp. Adrian’s outputs in the future.

Without further ado, here’s the video: