Ibalik natin si Hesus sa Diwa ng Pasko!

Simbang Gabi–Day 6                                                                               21 December 2015

Simbang Gabi Day 2

Graphics by Prenovice Jonas Lacson.

“Happy holidays!” Ito ang nag-iisang sambit na maririnig natin sa mga kawani ng isang mall sa mga parukyanong namimili sa kanila. Bago saking pandinig. Ang ginawa ko, chineck ko yung meaning ng holiday. Ito yung resulta: kung susumahin, ang kahulugan ng holiday sa mga definitions na nakuha ko ay bakasyon, walang pasok, at walang ni anumang pakahulugan tungkol sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Napaisip ako. Ah! Siguro dahil para magbigay ng respeto sa mga hindi naman naniniwala sa kapaskuhan. Pero hindi bat mas nakararami pa rin naman ang mga Kristiyano sa Pilipinas?

Pero, andun pa rin yung tanong. Bakit hindi Merry Christmas? O kaya Maligayang Pasko? Hindi bat yun naman ang dahilan kung bakit may bakasyon o regalo o dekorasyon o bonus? Dahil mayroong pasko! Ngayon, ipinagdiriwang na lang natin ang bakasyon, mantakin po ninyo!

Pero iba ang diwa ng ating mga pagbasa ngayon. Kung nagsimba kayo kahapon, at magsisimba ulit kayo ngayon, mapapansin ninyong magkatulad lang ang Ebanghelyo. Hindi ito isang pagkakamali ng naghanda ng liturhiya natin.

Marahil, dahil marami tayong pwedeng makuhang aral sa pagtatagpo ni Maria at ni Elisabet, kinailangang magkaroon ng isa pang pagkakataon upang lubos natin itong maintidihan, at makatulong sa atin sa paghahanda sa kapaskuhan.

Nang marinig ni Elisabet ang ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan.

Tumawag ng pansin ni San Ambrosio ang linyang ito mula sa Mabuting Balita. Ang sabi niya, si Elisabet man ang siyang unang nakarinig sa tinig ni Maria—ngunit ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang unang nakabatid ng biyaya ng pag-dalaw na ito ng Panginoon, kahit na nasa sinapupunan pa lang Siya ni Maria.

Makikita natin dito na ang tanging disposisyon ni Juan ay naka-ukol lamang sa Panginoon. Sanggol pa lang siya ay naroon na ang kanyang pananabik na makadaupang palad ang Panginoon.

Sa ganito rin natin marahil maaaring ihambing ang pananabik ng isang dalaga sa ating unang pagbasa na hango sa Aklat ng Awit, sa muli nilang pagtatagpo ng kanyang kasintahan. Marinig lang ang tinig nito’y sapat na upang lumigaya. At ang mensahe nito’y paulit-ulit na gumaganyak sa kanyang sumama na sa kanya.

Ganito ang naging disposisyon ni Juan. Nabuhay lamang siya at namatayalang-alang sa Panginoon. Ngunit alam nating hindi ito posibleng mangyari kung walang Diyos na nag-anyaya sa kanyang mabuhay lamang para sa Panginoon.

Kaya naman kung kasama natin si Juan at si Hesus na magdiriwang ng kapaskuhan, baka malilito sila sa kung ano nga ba talaga ang ating tunay na ipinagdiriwang. Iilan nga po ba sa atin ang nakaisip sa Diyos kapag narinig na nating pinapatugtog ang mga christmas carols simula pa noong September 1?

Naalala ko tuloy yung sabi ng isang pari sa sermon niya, bago yung damit natin, mayroon pang bagong sapatos at bagong relo. Bakit? Tayo ba ang may birthday? Hindi po ba kapag bumabati ang mga tao ngayon, Merry Xmas na lang. Napansin po ba ninyo? Nasan na kaya napunta ang Christ ng Christmas?

Bilang pagtatapos, gusto kong i-share itong post ng isang friend ko sa status niya sa Facebook, “Let us put Christ at the center of Christmas. Thats His rightful place.” Ibalik natin si Hesus sa diwa ng pasko.

Ang kapanganakan Niya kasi ang dahilan kung bakit may pasko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s