Kung may Awit si Maria, Ano naman ang Sa’yo?

Simbang Gabi–Day 7
22 December 2015

7SGMagnificat

Graphics by Prenovice Gab Tamondong

“Katoliko nga ba si Pope Francis?”

Limot ko na kung saan ko nabasa itong tanong na ito. Siguro, sa isang website na bumabatikos sa kanya dahil sa mga repormang gusto niyang makita sa Simbahan. Hindi lamang daw kasi mga makalangit na bagay ang bukambibig niya, ayon sa mga hindi bilib sa kanya. Pati nga kalikasan ay nagkaroon ng puwang sa kamulatan ng marami, gayundin ang paghuhugas ng paa ng babe, at maging Muslim sa isang Misa nang bago pa lang siyang maging Santo Papa. Andyan din ang patuloy niyang panawagan sa mga kaparian na mamuhay lang ng simple.

Pero kung tutuusin, wala naming bago sa mga ito. Sapagkat ito rin mismo ang mababasa natin sa buhay ng Panginoon, mahigit 2,000 na ang nakakaraan nang mamuhay siyang kasama natin.

Ganito rin ang pakiwari ng marami sa Papuring Awit ni Maria na tampok sa ating Mabuting Balita ngayon. Nabasa ko sa isang komentaryo na radikal daw ang mensahe ng awit. Palaban. Parang naghahanap ng away. Pero naman. Agad agad? Kapakanan lang ng maliliit, ng mga naghihirap, ng mga walang kapangyarihan ang priyoridad, naghahamon na kaagad ng kaway? Ngunit hindi bat ganito ang estilo ng Diyos? Ang pag-pabor sa mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang karapatan?

Sa unang pagbasang hango sa Unang Aklat ni Samuel, naroon si Ana, isang babaeng nagsumamong pagkalooban ng anak, at dahil nga sa awa ng Diyos sa mga katulad niyay nagkaroon ng supling, si Samuel, na naging isang masugid na propetang dumakila sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pangangaral at buhay.

Sa buhay ng mga katulad nilang maliliit, makikita natin kung gaano kadakila ang Panginoon.

Kaya nga marahil, nang Siyay mapadpad sa mundo natin, hindi Niya piniling maging isang super hero o di kayay isang taga-ibang planetang may taglay na kapangyarihan. Pinili niyang maging isang sanggol ng ordinaryong mag-asawa, na walang matuluyan, walang yaman na maaaring ipagmalaki, walang mga kawal na maaari nilang mautusan.

Pero dahil sa nangyaring ito, natutuhan natin Siyang dakilain sa mga aba, sa mga mahihina, sa mga naaapi. Dahil sa pamamagitan nila, makikilala ang kadakilaang taglay Niya. Nakita natin ito sa buhay ng Mahal na Birhen. Sinong mag-aakalang ang isang 14-taong dalaga ang magiging ina ng Diyos? Sa pagiging aba ni Maria, tunay nga nating namalas na hindi natin malalagyan ng hangganan ang kadakilaan ng Diyos. Ito marahil ang natutunan ni Maria sa kanyang pakikipagtagpo sa pinsang niyang si Elisabet. Nakita niya ang kapangyarihan ng Diyos sa kanyang buhay at napa-awit siya bilang papuri sa Diyos.

Sa pagsapit ng kapaskuhan, pag padampi na ang iyong mga labi sa imahen ng sanggol na si Hesus, ano ang awit na ihahanda mo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s