Month: March 2016

Ang Libingang Walang Laman!

Linggo ng Muling Pagkabuhay–Taon K
27 Mars0 2016

wp-1457159652942.jpeg

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary Canlubang

Pyramid sa Egypt. Taj Majal sa India. Rizal Park sa Pilipinas.

Ano ang nag-uugnay sa tatlong ito?

Lahat sila’y mga libingang nagsisilbing monumento.

Pero may alam akong isang libingang mahalaga din. Ngunit ang kaibahan nito, ang libingang ito ay walang laman. Wala ang bangkay na dapat ay nakahimlay dito. At marahil, dahil dito, mas mahalaga pa ang libingang ito kay sa mga libingang nabanggit ko sa itaas. Ito ang libingan ng Panginoon.

Nitong nagdaang araw, ang dami nating ginanap na gawain sa ating parokya. Kagabi nga lang ay inumaga na tayong nakauwi upang matulog pagkatapos ng napakahabang pagdiriwang. Noong Biyernes, hindi bababa sa limang oras ang prusisyong sinamahan ng marami sa atin. Nabasa ko sa diyaryo kahapon na 15 daw ang mga kapatid nating nagpapako sa krus sa Pampanga.

Pero walang halaga ang lahat ng ito kung ang libingang pinaglagakan sa katawan ng Panginoon ay may laman. At wala ring saysay ang pagtitipon natin ngayon.  Sabi nga sa isang #hugot line, “Kahit na bisitahin mo lahat ng Iglesia, kung wala ka namang relasyon kay Lord, nagpagod ka lang.”

Ngunit narinig natin sa ating Mabuting Balitang (Juan 20:1-9) walang laman ang yungib kung saan siya inilibing.

Mayroon akong tatlong bagay na gustong bigyang diin sa Mabuting Balitang ating narinig:

Una, sa batas ng mga Hudyo, ang pagpasok sa isang libingan ay magdudulot ng dumi sa isang tao. Sa pamamagitan nga lang ng paghipo sa isang libingan ay marurumihan na ang isang tao. At ang duming ito’y tatagal ng isang buong linggo (tingnan ang Aklat ng Bilang 19:16). Kaya nga sa ipinakita ni Pedro na paghangos at hindi pagdadalawang isip sa pagpasok sa yungib ay isang pagpapakita ng kanyang pag-ibig kay Jesus.

Kung tutuusin, wala na rin namang dahilan na gawin niya ito sapagkat patay na naman ang Kanyang Panginoon na maka-ilang beses niyang tinatwa nang nabubuhay pa ito.

Nang narinig niya ang ulat ng babaeng nawawala ang mga labi ng Panginoon sa libingan nito, nanumbalik ang kanyang pananampalataya dito.

Pangalawa, narinig nating iniulat sa Mabuting Balita na nakakalat ang mga telang ibinalot sa katawan ni Hesus nang siya’y inilibing, at ang panyong ibinalot sa ulo ng Panginoon ay masinop na nakatiklop sa isang lugar.

Ang pagkabanggit ni San Juan sa detalyeng ito tungkol sa pagkakakita sa telang ito ay magpapaalala sa atin na minsan ding binuhay ni Hesus ang Kanyang kaibigang si Lazaro sa kabila ng ilang araw na itong nahihimlay (tingnan ang Juan 11:44). Kaya nga binuhay Niya ito mula sa mismong pinaglilibingan nito. Ngunit nang siya’y magkaroong muli ng buhay, nakabalot pa ang kanyang katawan ng tela, at ipinag-utos pa ni Hesus sa mga naroroon na tulungan si Lazarong tanggalin ito.

Wala nang balot ang Panginoon nang Siya’y muling nabuhay. Hindi na niya kinailangan pang tulungan pa siya upang tanggalin ito.

 Ikatlo, ang halimbawa ni Juan, ang pinakabatang tagasunod ni Kristo. Nang marinig niya ang balitang nawawala ang mga labi ng Panginoon, agad siyang nagtungo sa lugar kung saan nila inilagak ang kanilang Panginoon. Para kay Juan, sapat nang (1)walang laman ang yungib, at (2) maingat na nakabalot ang mga telang ipinambalot sa katawan ng Panginoon upang maniwala Siyang muli itong nabuhay. Kaya nga sabi sa ating Mabuting Balita, “Nakita niya ito at siya’y naniwala.”

Sa unang pagbasa (Gawa 10:34, 37-43), napakinggan natin ang pagpapatotoo ni Pedrong inihatid niya kay Cornelio: Nabuhay muli ang Panginoon matapos Siyang mamatay sa loob ng tatlong araw. Isa si Pedro sa mga  naging saksi sa mga kaganapang ito.

Ganito rin ang mensahe sa atin ni San Pablo (Colosas 3:1-4): Si Kristo ang tunay na buhay natin. At kapag Siya’y nahayag sa pamamagitan ng pagiging saksi natin, mahahayag din tayong kasama Niya at makakahati sa Kanyang karangalan.

Mga kapatid, tayo rin po ay saksi sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon kung tayo ay naghahatid ng pag-asa sa iba. Walang laman ang libingan ng Panginoon. Muli Siyang nabuhay. At makikita ng ibang tunay Siyang buhay sa buhay natin. Kung ang dulot natin ay unawa’t pagmamahal. Kung nakikita nila sa atin ang kapunuan ng kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang Kristiyano.

Advertisements

If we truly love

Maundy Thursday–Year C
24 March 2016

March 24 - Holy Thursday

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary Canlubang.

“Filipinos are addicted to Mass.”

I heard this observation from a missionary priest who has been working in the Philippines for over two decades now. Initially,  I wanted to challenge his proposition. After all, a survey conducted by SWS three years ago tells us that only 37 % of Filipino Catholics go regularly for the Sunday Mass.

But before I could even register my objection, he came reeling off with points backing up his assertion. He continued, “For anything that happens in their country, there is a Mass If there is an approaching typhoon, there’s a Mass. To stop it, there’s Mass. If it stops, there’s Mass. If it continues to wreak havoc, they’ll have Mass … There is Mass when they have break time in the office. There’s also Mass in the school.” He concluded this list with a judgment, which I think is not far fetched: “Filipino people have Eucharistic overdose!”

Today being Maundy Thursday, we immortalize the institution of the Holy Eucharist.

We continue to remember God amidst our busy schedule. We always find enough reasons to thank Him for His goodness despite the ubiquity of evil all around  us. As I pound  on my keyboard, I recall Fr. Tom, an Indian confrere, who remains to be abducted by forces, who love–excuse the paradox–hatred.

We could find a pre-figuration of the Holy Eucharist in our first reading (Exodus 12:1), when the Israelites were asked to remember the goodness of God in liberating them as a people. They will remember His deeds through the ritual meal, which they will celebrate as a festival to honor the Lord.

In our second reading (1 Cor 11:23-26), St. Paul urges us to look back to that episode in the life of Jesus when He Himself commanded His disciples that as they often eat His body and drink His blood, they proclaim His death up until He comes again (also, see Luke 22:19).

For over 2,000 years, we continue to live up to this command of Jesus. The Holy Eucharist has remained to occupy a special place in our way of remembering the Passion of Jesus, and the love of the Father. This has kept us united with various cultures and languages the world over. And this is one of the things I find impressive how more than 1 billion Catholics share oneness, if not absolute uniformity, in the  celebration of the Eucharist. Whichever Catholic church you visit, the structure and the manner of celebration of the Eucharist is the same!

However, our Gospel today (John 13:1-15) calls for us to go beyond the uniformity of the means of worshiping God. For, as embodied in the essence of the Eucharist, we are commanded to love. Jesus washed the apostles’ feet, a menial task  reserved only for the lowly slaves. For certain, in doing this act, He scandalized His apostles.

And all the more, when He instructed them to do as He did.

But this is the very mark that we truly belong to Christ–and that we have become a people “so addicted” to the Eucharist–If we truly love.

Ang Halimbawa ng Anak

Linggo ng Palaspas—Taon K
20 Marso 2016

wp-1457156033675.jpeg

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary Canlubang.

Kakaiba ang pagdiriwang ng ating liturhiya ngayong Linggo. Hindi lang ito dahil sa dala-dala nating mga palaspas, o kaya naman ay ang matingkad na pulang kasulyang suot ng pari at maging ng mga mantel sa simbahan. Kakaiba ang pagdiriwang natin sapagkat inumpisahan natin ito sa pag-gunita ng maringal na pagpasok ng ating Panginoon sa lungsod ng Jerusalem. Sumigaw tayo at umawit ng hosanna. Masaya nating sinalubong ang paring kumakatawan sa ating Panginoon. Ngunit sa pagtatapos ng pagpapahayag ng ating Mabuting Balita, ang tagumpay na ito ay tila mauuwi sa kawalan, sa kabiguan, sa kamatayan.

Sa pagdiriwang din nating ito, binubuksan natin ang taunang pagsasabuhay ng mga Mahal na Araw, ang pinakamahahalagang mga araw sa kalendaryo ng Simbahan, sapagkat dito ginanap ng Ama ang Kanyang pangako na ililigtas tayo sa pamamagitan ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Kanya mismong Anak.

Sa mga araw na ito, maipaaala-ala sa atin kung gaano tayo ka-importante sa Diyos, kung paanong ginawa ng Diyos na banal ang mga araw na ito, kung paano Niyang ipinakitang tunay ngang mahal tayo ng Diyos. Walang sukat. Walang kondisyon. Sukdulan.

Sa Unang Pagbasa (Is 50: 4-7), inihayag sa atin ni Propeta Isaias na mula pa sa Matandang Tipan ang isang pangitaing ang ating Panginoon ay daranas ng matinding sakit at paghihirap. Sasapakin siya. Sasampalin. Duduraan. Pero buong kababaang loob niyang ipauubaya ang sarili.  Sapagkat alam niyang ang Diyos mismo ang tutulong sa kanya.

Ito rin ang binibigyang diin ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa (Fil 2:6-11) na humahamon sa ating tularan ang Panginoon sa Kanyang pagpapakumbaba, at pagiging masunuruin hanggang kamatayan. Sapagkat sa pamamagitan nito mabubunyag ang kaluwalhatian ng Ama.

Sa paglalahad ni San Lucas ng pasyon ng ating Panginoon (23:1-49), sinariwa natin ang pagbibigay ng sarili ni Hesus para sa sangkatauhan. Sa kabila ng maraming pasakit na Kanyang tinamo, nanatili Siyang matapat sa Ama. Hindi na Siya kailangan pang pilitin, ipinagkaloob Niya ang Kanyang sarili nang buong buo.

Sa ating pagpasok sa mga Mahal na Araw, matutunan nawa nating pumasok sa diwang ito ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Na kahit na wala tayong gantimpalang makukuha, o sarap at ginhawang madarama, ngunit alam nating ito ang tama, ito ang nararapat, ito ang kagustuhan Niya, buong puso natin itong gagawin.

 

I ‘Retreat’

Some weeks ago, I received the good news that my application for the priesthood had been accepted. Some close friends immediately said yes when I asked for their help to begin the messy work of preparing for the event.

Br. Jerome conjured the FB events page for the event and embedded it in the FB page of the seminary to help us keep track the number of guests.

Later today, I begin my spiritual retreat somewhere in the South in preparation for my priestly ordination, and also in keeping with Canon 1038. I am delighted to have a confrere whom I consider a mentor and friend to guide me in this spiritual exercise.

Will you please whisper some prayers for my intention?

FrDonnieSDBMeme

Coherence

Thursday in the 5th Week of Lent
17 March 2016

pen-ink

It is always challenging to prepare a homily. Not because it is difficult to write. No, it is not the writing part that is tough. Sources are everywhere. Commentaries abound in books and even in the Internet. Yes, especially in the Internet.

The hardest part in preparing the homily is not the writing—but the living. That fact that I am not just expected to talk in this homily, but also how to walk this ‘talk,’ gives me chills. How my preaching is coherent with my living poses always a tall order.

I may move your hearts with the loftiest vocabulary I use, or the soundest theological ideas I meditated on. The tough part is, brothers, I live with you, day in and day out. You will easily validate whether my living is faithful with my preaching.

The theme of the liturgy today communicates to us God’s faithfulness to His covenant with us.

From the first reading, to the responsorial psalm, down to the Gospel, the readings are woven carefully to come up with one seamless piece that showcases how God’s word is congruent with His works.

In the first reading (Gn 17:3-9) we heard God’s monologue addressed to Abraham. Here, God churns out one promise after the next: Abraham will be exceedingly fertile, that he will not just produce a nation, what is more, this very nation will produce kings that will come from Abraham himself.

The first reading concludes with an appeal from God for Abraham to keep the covenant throughout the ages.

Jesus reinforces this very message, as if to remind us, in the beginning of the Gospel (Jn 8:51-59) no less, “Amen, amen, I say to you, whoever keeps my word will never see death.”  Our keeping of His word is key to our living.

As we continue with this celebration of the Liturgy, let us ask Jesus for that singular grace that will accompany us to live our life consistent with the tenets of our faith.

Second Chance

Ika-5 Linggo ng Kwaresma—K
13 Marso 2016

wp-1457156034067.jpeg

Kathang sining ni Asp. Paul Lopez ng Don Bosco Seminary Canlubang.

Second Chance.

Ito ang handog na mensahe ng ating mga pagbasa ngayong Linggo. Ang Diyos ay handang magbigay sa atin ng isa pang pagkakataon.

Sa unang pagbasa (Isa 43:16-21), ang mga Israelita ay ipinatapon sa Babilonya. Sa kabila ng kabiguan at kahihiyang ito, nagwika ang Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Isaias, dala ang pag-asang makakabangon silang muli sa kanilang pagkagapi.

Ipinaalala ng Diyos sa kanilang—upang mapalaya sila—gumawa Siya ng pambihirang bagay: hinati Niya ang dagat, ang mga kabayo’t karwahe ng kanilang kalaban ay winasak. Nilupig Niya ang makapangyarihang hukbo ng mga Egipcio.

At muli, ngayong dumaraan na naman sila sa isang pagsubok, nangako Siyang muli silang makakabangon at makakalaya: sa gitna ng ilang ay magkakaroon ng bagong daan. At ang disyerto nama’y magkakaroon ng masaganang tubig, alang-alang sa Kanyang bayang hinirang.

Hinimok Niyang ang masasakit na sandali’y kalimutan na. Sapagkat sa pamamagitan ng Panginoon, magkakaroon ng panibagong kabanata ang kanilang buhay.

Sa ikalawang pagbasa (Fil 3:814), binigyan tayo ng halimbawang kung papaanong ang isang taong may bahid ang nakaraan ay biniyayaang muling magkaroon ng bagong simula.

Isang dating Pariseo si Saulo. Inakala niyang sa pamamagitan ng kanyang pagsunod sa batas ay makakamit niya ang kaligtasan. Bunsod ng kanyang pagmamahal sa batas, pinag-uusig niya ang mga Kristiyano.  Hindi lamang niya nasaksihan ang malagim na kamatayan ni San Esteban nang pagbabatuhin ito hanggang mamatay, sinang-ayunan rin niya na dapat nga itong mamatay dahil sa pananampalataya niya kay Kristo.

Ngunit nangyari ang hindi inaasahan. Nasumpungan ni Saulo si Hesus. At mula noo’y nakita niya ang kanyang kamalian. Binago ng Diyos ang kanyang pangalan—Pablo na ang itatawag sa kanya—at maging ang kanyang buhay.

At ayon sa kanya, hindi na mahalaga ang nakaraan, dahil alam niyang mayroong bukas, kasama ang Diyos, si Kristo. Pinagkalooban siya ng Panginoon ng bagong buhay, ng bagong simula.

Ito rin marahil ang nais ng babaeng tampok sa ating Mabuting Balita (Jn 8:1-8), ang isang bagong simula. Matapos siyang paratangang nahuli sa akto ng pangangalunya, dinala siya sa harap ng Panginoong samantalang Siya ay nangangaral.

Maraming tao ang nakasaksi sa pangyayari. Kaya nga hindi lang ang babae ang nililitis sa harap nila. Sa tanong ng mga Pariseo’t eskribang “Iniutos sa amin ni Moises sa Batas na batuhin ang ganitong mga babae, ano ang masasabi mo?” si Hesus man din ay nakasalang din sa panghuhusga ng marami. Isang maling sagot mula sa Panginoon, lilipad ang mga bato papunta sa babae—o ‘di kaya naman ay papunta sa Kanya.

Isang legal na usapin ang tanong ng mga nanghuhusga. At kung pagbabasehan ang mga batas na iniakda sa Lumang Tipan, masasabing mayroon silang laban (sumangguni sa Lev 20:10 at Deut 22:22). Hindi naman ito nakapagtataka, pagdating sa usapin ng Batas, alam ng mga Pariseo’t eskriba ang sinasabi nila. Kung mayroong nakapagtataka sa kabanatang ito ng Mabuting Balita ay kung bakit kailangang si Hesus ang sumagot ng kanilang tanong—na alam naman nila kung ano ang sagot. At higit pa dito, kung bakit kailangang sa harap ng maraming tao, pinili nilang isa-dula ang kanilang ‘drama.’

Nang dalhin nila ang babaeng nakikiapid kay Hesus, hindi lang nila gustong malaman kung ano ang dapat gawin dito. Nang marinig ni Hesus ang paratang, umupo siya at nagsulat sa lupa. Animo’y wala Siyang pakialam sa mapusok na tanong. Kapana-panabik kung ano ang magaganap. Ngunit tuloy pa rin si Hesus sa Kanyang ginagawa, sulat pa rin Siya ng sulat sa lupa. Ngunit patuloy pa rin sila sa kakakulit sa Kanya. Nang tila hindi na Niya makaya pa ang kakukulit nila sa Kanya, nagwika Siya, “Ang walang sala sa inyo ang siyang maunang bumato sa kanya” (sumangguni rin sa Deut 17:7), sabay balik sa pagsusulat sa lupa.

Mainam ang pagkakalahad ni San Juan sa kung ano ang naganap pagkatapos, “Nang marinig nila iyon, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus.” May sipa ang paglalarawan ni San Agustin sa tagpong ito, ‘relicti sunt duo miseria et misericordia’ (At dalawa silang natira: ang kaawa-awa at ang punong puno ng awa).

Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”

“Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.

Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

Dahil sa awa ng Panginoon, nagkaroon ulit ng lakas ng loob na magsimulang muli ang babae.

Ito rin ang mensahe ng Panginoon sa atin: Pwedeng pwede tayong magsimula ulit.

Son of the Father

Wednesday in the Fourth Week of Lent
9 March 2016

stock-footage-father-and-son-having-fun-silhouetted

Can a woman forget the baby at her breast and have no compassion on the child of her womb?

This line from our first reading (Is 49:8-15) hints at the tender love of a mother for her child. Surely, one of the lines in the Book of the Prophet Isaiah which we all can relate to.

However, it also wakes us up to the reality that not all mothers can be so tender. Not all mothers can offer compassion to their newborn. Not all of them can stand up to the very essence of what a mother is.

Yet though she forgets, I will never forget you.

Looking at the photos in a news magazine of some fifty women who were executed through the lethal injection in the United States, I got curious to note that at least half of them ended the lives of their own children.

The love of the mother in the first reading, which at times fails, is set side-by-side with the constancy and dependability of the love of the Father in our Gospel today (Jn 5: 17-30) which continues the narrative we heard yesterday, in which Jesus healed a paralytic. And because the healing fell on a Sabbath, Some Jews had an issue with it.

We have learnt that in the synoptic tradition, Jesus’s healings are controversial because they take place on the Sabbath, but John’s narration renders it differently.

More than emphasizing on the necessity of love over the law, he portrays a bold Jesus, a daring Jesus, who is not just some miracle worker performing a healing on a Sabbath.

Hence, if the Father continues the work even on a Sabbath. The Son must do likewise. Here, we have a Jesus who is not just justifying Himself why He does miracle on a Sabbath. He provoked them intentionally.

And as Jesus provoked them, He also has provoked us.

Since we have experienced this magnanimous love, we are also emboldened to pass it on.

And thus, in the formula of the profession of the Salesians, we pledge to devote all our strength to those to whom the Father will send us, especially to the young people who are poorer.

Let us pray that this celebration of the Holy Eucharist, which is a loving memorial of the love of the Father to His children, may truly make each of us a sign and bearer of God’s love to the young, a reminder of our response to the responsorial psalm today, the Lord is gracious and merciful.