Month: May 2016

FB Graphics for June 2016

Kudos to Aspirant Paul Lopez of the Don Bosco Seminary in Canlubang for these stunning Facebook header photos which we could download, use and even share as our humble contribution in evangelizing the world of social media.

wp-1464550839283.jpegJune 3, 2016   +   Sacred Heart of Jesus +  Year C

wp-1464550839303.jpeg
June 5, 2016   +   10th Sunday in Ordinary Time +  Year C

wp-1464550839276.jpeg
June 12, 2016   +   11th Sunday in Ordinary Time +  Year C

wp-1464550839255.jpeg
June 19, 2016   +   12th Sunday in Ordinary Time +  Year C

wp-1464550839379.jpegJune 26, 2016   +   13th Sunday in Ordinary Time +  Year C

Tayo ang katawan ni Kristo!

Kapistahan ng Banal na Katawan t Dugo ni Kristo–Taon K
28 Mayo 2016

May 28

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary. 

Ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesus ngayong Linggo. Pinagninilayan natin ang Kanyang tunay na presensiya sa Banal na Eukaristiya. Mamaya habang ginaganap natin ang konsegrasyon, hindi tamang sabihing ang tinapay at alak ay simbolo lamang ng katawan at dugo ng ating Panginoon. Hindi lamang siya bumababa doon. Kung hindi, ang tinapay at alak ay nagiging mismong Siya.

At ano naman ang sa atin kung iyon nga mismo si Hesus? Inaanyayahan tayo ng ating liturhiya ngayong hindi lamang magnilay tungkol sa tunay na presensiyang ito ng ating Panginoon, hinahamon din tayong isagawa ang tatlong P na ito .

Dahil naroon si Hesus, kailangan ang pag-galang. Inilalaan natin ang oras ng pagdiriwang ng Misa para sa kanya. Sa wikang Espanyol ang Linggo ay Domingo, ibig sabihin ito’y pag-aari ng Diyos. At dahil mahalaga Siya sa atin, pipili tayo ng damit na akma sa okasyon, at karapat-dapat sa Diyos na kakatagpuin natin.  Kaya nga may tinatawag na Sunday best. Inilalaan lang natin ang pinaka-espesyal na damit, sapatos, pantalon para sa Panginoon.

Kung mayroon tayong pag-galang, darating din tayo ng mas maaga sa simbahan upang maihanda ang sarili para sa pagdiriwang.  Iiwasan nating tingnan ang cellphone upang hindi maistorbo at maka-istorbo sa iba.

Ikalawa, dahil tunay na naroroon si Hesus, hinihingi sa atin ang pagpapasalamat.

Hindi lamang nagbigay ng anuman ang Diyos mula sa Kanyang kalabisan. Hindi lang oras ang ipinagkaloob Niya sa atin, o ‘di kaya naman ay simpleng pakikipag-kaibigan lang. Ibinigay Niya ang lahat-lahat ng sa Kanya, hanggang sa malagutan Siya ng hininga. Ipinagkaloob Niya ang Kanyang mismong buhay.

Sa Mabuting Balitang, bago gumawa ng himala ang Panginoon, tumingala muna Siya sa langit at nagpasalamat. Kung tutuusin, ang dami-daming himalang nangyayari sa buhay natin. Ngunit madalas, hindi natin ito napupuna sapagkat kung saan saan tayo nakatingin. Nasa maling lugar ang puso natin.

Sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, nagpapasalamat tayo sa Ama sa pamamagitan ng sakripisyo ng Kanyang mismong Anak.

Pwede rin naman tayong magdasal ng rosary, o magnobena araw-araw. Ang kaibahan lang ng mga ito sa pagdiriwang ng Eukaristiya ay tayo ang nagdadasal sa pagdarasal ng rosaryo.

Pero hindi ganito ang nangyayari sa Eukaristiya sapagkat sa bawat pagdiriwang ng Misa, si Hesus mismo ang nagdarasal. Si Hesus mismo ang nagsasakripisiyo. Si Hesus muli ang nagpapanibago ng pag-aalay ng kanyang sarili.

Ikatlo ay ang pag-ibig.

Si San Agustin ang nagsabing dapat tayong maging katulad ng tinatanggap natin. Kung Linggo-linggo tayong nagsisimba, ang dami na sigurong pagkakataon na nakatanggap tayo ng komunyon. Saan na kaya silang lahat nagpunta. At ang mas mahalagang tanong: Ano naman ba ang nangyari sa atin?

Narinig ko sa isang paring may isang lalaking nagsabi sa kanya kung bakit hindi daw siya nagsisimba. Ipokrito lang daw ang mga tao sa simbahan. Sabi naman ng pari sa kanya, “welcome na welcome sa simbahan dahil marami pang lugar doon para sa mga ipokrito.”

Ang Eukaristiya ay gamot para sa mga katulad nating mahihina… makasalanan… ipokrito… At hindi premyo sa mga perpekto. Sapagkat kung ang perpekto lang ang pwedeng tumanggap nito, malamang wala nang natira sa Simbahan. Wala na ring paring magmimisa dito. Pero dahil ang Diyos ay pag-ibig, patuloy Siyang nag-aanyaya sa ating bumalik tayo sa Kanya. He just wants us to try again. To trust in His goodness. Sumubok. Kahit na paulit-ulit naman tayong nadarapa dahil sa kasalanan natin.

Tayo ang katawan ni Kristo. Sa mga taong hindi pa siya nakikilala, sana kapag na-meet nila tayo, para na rin nilang na-meet si Kristo. Dahil sa bawat salita at kilos natin, naipapakilala natin si Kristo sa iba. Dahil tayo na ring tumanggap sa Kanyang katawan ang kanyang katawan.

 

 

Ang Paanyaya ni Maria!

Solemnity of Mary Help of Christians
24 May 2016

May 24 - Mary Help of Christians

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary

In our script writing class way back in college, we were taught that the key to a good narrative is an interesting conflict.

Conflict is not just an element of the story that prevents one or more characters from reaching an objective or goal. Rather, it creates tension. It builds a story.  It holds the attention of the readers.

Ilan nga ba sa atin ang nakapanuod ng pelikulang Titanic—ng 5 beses? Kung tutuusin, simple lang naman ang plot ng pelikula: isang gusgusing lalaki ang nakakilala sa isang mayamang babae. At nagkaibigan sila. Pero ang twist, pareho silang pasahero ng isang palubog na barko. Without interesting conflict, we’ll only have a lousy plot.

Sa kapistahang ito ng ating Mahal na Ina, ang ganda ng pagkakatimpla ng ating mga pagbasa.

The first reading (Revelation 12, 1.3a.7-12a.17) re-introduces us to that mystifying story featured in the last book of the Bible, the Book of Revelation.

The first four lines of our first reading unmistakably signal a plot that braces us for some great adventure.

Ka-abang abang ang mga susunod na kabanata. Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbuno sa dragon. Alam nating ang dragong ito ay ang demonyo. Marami siyang niloko. Bilang parusa sa kanya, ipinatapon siya sa mundo.

Pero alam nating hindi naman siya tuluyang natalo. Dahil sa sinapit niya, nagalit siya sa babae at maging sa mga anak nito.

We know that the battle is not yet over. It goes on, even as I speak. Now, the battle field takes place in our hearts, the voice of the devil versus the voice of God. If we consider ourselves children of the woman, then, we cannot be chummy with the devil; we are at war with him.

The second reading (Galatians 4:4-7) allows us a glimpse to a conclusion in the enduring conflict between God and man through a Child who was given birth by a woman. St. Paul’s letter likewise reminds us of our identity, that we are slaves no longer, that we are children of God. And because we are God’s children, we are heirs to His Kingdom.

The conflict in the Gospel (John 2:1-12) we just proclaimed may pale in comparison with the astonishing scene of the first reading. But for the newlywed couple featured in the Gospel, the consequence of sending home their guests  without serving them wine first is simply horrifying. In their culture, hospitality  is a sacred duty. It would have brought embarrassment and shame to their families if wine had run out completely.

But the Blessed Mother came to their help. On her own, she may just be as helpless as them, but she knows exactly Someone Who can do wonders. Her Son, Jesus Christ.

Today, we come together as one family gathered around the altar of the Lord in order to venerate the Blessed Mother, the Help of Christians.

Like the couple in the wedding feast at Cana, we have our reasons to celebrate this feast as one community; we have our reasons  to thank her individually for interceding us to Jesus.

Pabirong reklamo ng isa kong kaibigan tungkol sa Ebanghelyong ating ipinahayag, minsan lang daw bibigyan ni San Juan ng pagkakataong magsalita ang Mahal na Ina, linya pa ng tomadora, “Wala na silang alak.”

Marahil, kung mayroon tayong gustong iuwi pabalik sa ating mga tahanan, hindi ito iyon.

Ngunit mayroon pang sinabi si Maria sa mismong Ebanghelyong ito, at marahil, ito ang isang bagay na maaari nating pagnilayan, “Gawin ninyo ang anumang sabihin ng aking Anak sa inyo.”

Si Mariang ina natin ay malaking tulong sa atin. Ilan nga ba sa atin ang palagiang  tumatawag  sa kanya sa pamamagitan ng ating pagdarasal ng rosaryo? O ‘di kaya naman ay pagnonobena sa Ina ng Laging Saklolo?

Noong ako ay isang novice, nagkaroon ng cancer sa kidney si mama. Nasa Cebu ako noon; malayo ako sa kanya.  Ang ginawa ko  ay nagdasal ako ng ekstrang rosaryo araw-araw.

Sa pagkakatanda ko, iyon ang isa sa pinaka-natatanging sandali kung kailan, masasabi ko talagang tunay akong nagdasal. Hiningi ko talaga ang tulong ng Mahal na Ina.

At hindi ako mangingiming sabihing tinulungan ako ni Maria sa pananalangin sa kanyang Anak upang iligtas si mama.

Kaya naman mag-wawalong taon na iyon at malakas pa rin siya.

Mga kapatid, marami tayong tulong  at biyayang natatanggap mula sa Mahal na Ina.

Sa panahon ng panganib, paghihirap,  maging sa mga panahong nagdududa tayo sa kung anuman ang naghihintay sa atin sa araw ng bukas, tinatawag natin si Maria bilang Ina natin,  bilang tagapag-ampon natin.

Ngunit sa palagay ko, ang natatanging papel ni Maria sa buhay natin ay ihatid tayo pabalik sa kanyang Anak. At ang kanyang pa-alala, “Gawin ninyo ang anumang sabihin ng aking Anak sa inyo.”

Madalas, ang tingin natin sa pag-ibig ng Diyos ay palagiang pagtupad sa bawat daing natin,  o ‘di kaya naman ay  pwede natin Siyang mapasunod sa kung anuman ang nais natin.

Ngunit ang awa ng Diyos ay hindi tamang lambutin. Hindi ito nagbabait-baitan lang.

Sapagkat ang awa ng Diyos ay nakaangkla sa pag-ibig  na humahamon sa ating maging mabubuting anak Niya dahil palagian Siyang isang mabuting Magulang sa atin.

Hindi kunsintidorang Ina si Maria.

Nais niya tayong mailapit sa Anak niya. At kung tunay tayong namimintuho sa kanya, hinahamon niya tayong, Gawin natin ang anumang sabihin ng kanyang Anak sa atin.

Ang Diyos na Huwaran Natin

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos–Taon K
22 Mayo 2016

May 22

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary.

Maraming pagdiriwang mayroon ang ating simbahan na nakabatay sa pangyayari sa buhay ng ating Panginoon. Nandyan ang pagdiriwang ng Pasko (Kapanganakan ng ating Panginoon), Huwebes Santo (Huling Hapunan), at maging ang Pagbibinyag sa ating Panginoon ay may ispesyal na puwang sa kalendaryo ng ating Simbahan.

Kaya naman natatangi ang okasyon ngayong Linggo. Hindi ito nakabatay sa isang pangyayari, kung hindi sa isang katotohanang napakahalaga para sa ating buhay pananampalataya.  Ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo. Sa okasyong ito, pinagninilayan natin ang katotohanan na mayroong tatlong persona sa iisang Diyos.

Sa aming Homiletics class, narinig ko sa teacher namin na ang pagdiriwang daw na ito ay napakahirap para sa mga paring magbibigay ng sermon—at  para na rin sa mga magsisimbang makikinig nito. Kungsabagay, ang komplikado naman kasi. Sanay tayo sa Math equation na ang isa na sinamahan ng isa at sinamahan pa ng isa pa ay tatlo ang katumbas nito.

Ngunit hindi ganito ang itinuturo ng ating pananampalataya pagdating sa pagpapaliwanag ng tungkol sa Diyos. Mayroong tatlong persona sa iisang Diyos—ang Ama, at ang Anak at ang Espiritu Santo. At ang tatlong personang ito—ang Ama, at ang Anak, at ang Espiritu Santo ay bumubuo sa iisang Diyos.

At ang Diyos na ito ay kasa-kasama natin sa ating buhay.

Sa unang pagbasa (Kawikaan 8:22-31), pinaaalalahanan tayong ang Diyos ay naririto na hindi lang bago pa tayo isilang, ngunit bago pa man gawin ang sanlibutan. Pinapaalala sa ating naririto ang Diyos. Hindi Siya nag-aabsent. Hindi Siya nali-late. Narito na Siya bago pa man likhain ang santinakpan.

Sa ikalawang pagbasa (Romano 5:1-5), nagagalak tayo sa Diyos na ito sapagkat sa pamamagitan Niya, mayroong kapayapaan, pag-ibig, at pag-asa. Kaya naman niluluwalhati natin Siya. Ang pag-asang nagmumula sa Diyos ay nagdudulot sa atin ng kagalakan kahit pa mayroon tayong problema sapagkat mapanghahawakan natin ang pangakong hatid Niya.

Sa Mabuting Balita, binibigyang diin ng Panginoong Hesus na may mga bagay na ihahayag ang Espiritu na pupuno sa mga bagay na kailangan pa nating malaman. Mainam na mabatid nating ang katotohanan ay hindi bunga ng pagpapagal ng tao, ngunit ito ay kaloob ng Diyos.  Sadyang maunlad na nga ang agham na mayroon tayo, malayo na ang narating ng ating teknolohiya, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, batid nating marami pa rin tayong kailangang malaman.

Isa marahil ang kalikasan at pagkakakilanlan ng Diyos sa maraming tanong na pinipilit nating sagutin. Ngunit alam din nating mananatili itong isang misteryo. Hindi dahil sa hindi natin alam kung sino nga bang talaga ang Diyos, ngunit batid nating hindi sasapat ang payak nating isipan upang lubos na maunawaan kung sino nga ba Siyang talaga.

Pinaniniwalaan nating ang tatlong personang nasa iisang Diyos ay magkakaiba, ngunit pantay-pantay ang dignidad. At kahit na ipinagkaloob ang Espiritu Santo nang si Hesus ay muling nabuhay—sumasampalataya tayong sa simula pa lang, nandoon na Siya, kasama ng Ama at ng Anak.

Sa bandang huli,  ang pinakamainam na paraan upang ipagdiwang ang kapistahang ito’y ang pagsisikap na mabuhay ng may pag-ibig para sa bawat isa. Sapagkat alam nating ang tatlong Persona ng Diyos ay namuhay sa pamamagitan nito.

At kung tayo’y nananampalatayang tayo ay kawangis ng Diyos, dapat lang na tularan natin ang tatlong Persona nito na nagbibigay inspirasyon at patuloy na humahamon sa ating mag-ibigan din. Sapagkat ito lamang ang siguradong paraan upang mapag-isa ang sangkatauhan.

Sa huli, ang kapunuan ng misteryong ito’y hindi naman masusukat sa lalim ng ating alam tungkol sa Banal na Santatlo, kung hindi, kung paano natin sinikap na maging katulad din Nila sa pamamagitan ng ating pagsusumikap na magmahal.

 

Ang Hamon ng Espiritu Santo

Dakilang Kapistahan ng Pagbaba ng Espiritu Santo—Taon K
Ika-15 ng Mayo 2016

May 15

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary. 

“Anumang bagay na mahalaga ay hindi nakikita ng mga mata.” Ito ang isa sa mga paborito kong linya sa librong “Ang Munting Prinsipe” na iniakda ng Pranses na manunulat at pilotong si  Antoine de Saint-Exupéry.

Kinakatawan kasi ng linyang ito ang maraming katotohanan sa buhay. Madalas, mas pinapahalagahan natin ang mga bagay na nabibili, nasusukat, o ‘di kaya naman ay nabibilang. Ngunit may mga pagkakataong dumarating sa buhay nating nakikilala nating walang katumbas ang mga bagay na hindi nahahawakan ng kamay o nakikita ng mata, ngunit nanunuot naman sa kaibuturan ng ating pagkatao.

Sa ganitong paraan din natin maaaring sipatin ang pinagdiriwang natin ngayong Linggo—Ang Pagbaba ng Espiritu Santo.

Sa unang pagbasa (Gawa 2:1-11), personal na naranasan ng mga apostol ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng anyo ng wari’y dilang apoy na bumaba sa kanila, hindi lamang sila nagkaroon ng kakayahang makapagsalita sa iba’t-ibang wikang banyaga sa kanila, nagkaroon din sila ng lakas ng loob na maipahayag ang kamangha-manghang gawa ng Diyos sa kabila ng pangambang maaari nilang sapitin ang dinanas ng Panginoong Hesu-Kristo.

Ang pangyayaring ito ay hindi lamang bumago sa kanilang buong pagkatao—ngunit ang kanilang buhay din—at maging ang mga buhay ng mga taong nakasalamuha nila.

Sa ating ikalawang pagbasa (1 Corinto 12:3-7.12-13), binigyang diin din sa pasimula ng liham ni San Pablo para sa mga taga-Corinto ang mahalagang papel ng Espiritu Santo sa ating buhay. Dahil sa pamamatnubay ng Espiritu Santo, naipahahayag nating Panginoon natin si Hesus. At sa pamamagitan din ng Espiritu, nakatanggap tayo ng mga kaloob na hindi lang para sa atin, ngunit,  ginagamit natin sa paglilingkod. At sa pamamagitan ng ginagawa nating paglilingkod na ito, nakakabuo tayo ng isang simbahan, ng isang komunidad.

Ayon kay San Juan sa ating mabuting balita (Jn 20:19-23), ang Espiritu Santo ang siyang unang handog ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa kanyang mga disipulo nang siya’y muling nabuhay. At dahil taglay na nila ang Espiritu Santo sa kanilang puso, mayroong kapayapaan sa kanilang buhay.

Ang ibig sabihin ng kapayapaan ay hindi lamang simpleng katahimikan, o ‘di kaya naman ay kawalan ng digmaan. Ngunit lahat ng kabutihang maaaring makamit ng isang tao mula sa Diyos. Kung tutuusin, hindi naman karapat-dapat ang mga apostol na tanggapin ang kaloob na ito, marami sa kanila ang nawala nang kinailangan ni Hesus ang kanilang tulong at suporta.

Ngunit sa tagpong ito, ipinakita ng Panginoon na hindi lamang Siya handang magpatawad, laging bukas ang Kanyang puso upang akuin sila bilang Kanya. At bilang patunay, isinusugo Niya sila upang ipagpatuloy ang misyong sinimulan Niya.

Ang misyong ito’y hindi lamang ikalat ang Mabuting Balita, ngunit maging tagapaghatid din ng pagpapatawad ng Diyos.

Maraming naiwang sugat ang nakaraang halalan. Sugat na maaari nating palalimin o hilumin. At ang sugat na ito’y hindi lamang sa pagitan ng mga nasa magkabilang politikal na partido, ngunit nararanasan natin sa ating opisina, mga kaibigan, o ‘di kaya naman ay sa mismo nating pamilya.

Nawa, sa ating pagdiriwang ng Pagbaba ng Espiritu Santo, maging isang buong muli ang ating bansa, maranasan nito ang kapayapaang hatid ng Espiritu Santo.

Ngunit magkakaroon lamang ito ng kaganapan kung makikinig tayo sa mismong Espiritung ito na magpatawad at patuloy na buksan ang puso sa bawat isa.

Trailblazer

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat—Taon K
8 Mayo 2016

May 8

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary Canlubang

Sa pagtatapos ng iskwela ngayong taon, hindi masyadong matunog ang salitang ‘graduation.’ Sa halip, mas pumukaw sa atensyon natin ang “moving up ceremony” na hudyat ng pagsisimula ng K-12 program sa ating bansa. Hindi pa graduates ang mga nasa fourth year–at hindi pa sila papasok ng kolehiyo–aakyat lang sila ng isang baitang.

Ngayong Linggo, puwede nating ihambing ito sa ipinagdiriwang ng ating Simbahan: Ang Pag-akyat ng Panginoon sa kalangitan: Ang moving up ceremony ng ating Panginoon.

Umalis Siya sa ating piling upang makapiling ang Ama. Ngunit hindi Niya tayo tuluyang iniwan. Sa unang pagbasa (Gw 1:1-11), nakadetalye na bago Siya umakyat sa kalangitan, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kanyang hinirang. At ang mga aral na ito’y patuloy nating ginugunita. Tulad na lamang ng ipinagdiriwang natin ngayon: Ang Eukaristiya, ang buhay na pagsasariwa ng Kanyang pagliligtas sa atin.

Ang Pag-akyat ng Panginoon sa kalangitan ay isang moving up ceremony para sa Panginoon. Sa ikalawang pagbasa (Efeso 1:17-23), ipinapaalala sa atin ni Pablo ang kapangyarihang taglay ng Panginoon dahil nasa piling na Siya ng Ama. Kaya nga naman, ang Pag-akyat ng Panginoon sa kalangitan ay hindi isang maluwalhating pagtatapos ng kasaysayan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sapagkat nagpapatuloy ang pagliligtas sa atin ng Panginoon. Dahil nasa piling na ng Ama ang Panginoong Hesus, hindi na lamang Siya nananatili sa isang lugar, mas lalo Siyang malapit sa atin. Dahil nasa piling na ng Ama ang Panginoong Hesus, hindi siya nakakulong sa isang panahon. Buhay si Kristo kahapon, ngayon at bukas.

Sa pag-akyat ng Panginoon sa kalangitan, may hamon Siyang iniwan sa atin. Sa ating Mabuting Balita (Lucas 24:46-53), iniatang Niya sa atin ang responsibilidad na maging saksi sa pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan. Ngunit hindi lang daw natin ito dapat na ihayag sa mga taong malalapit sa atin, ngunit ihatid ito sa buong mundo.

Ngayong Linggo, ipinagdiriwang din natin ang Linggo ng Komunikasyong Pandaigdig. At ang mensahe ng ating Santo Papa ay nakatuon sa kaugnayan ng pakikipagtalastasan at awa. Binibigyang diin ng Santo Papa ang hamon sa mga taga-sunod ni Kristo na makilala bilang sisidlan at tagapagdala ng mensahe ng awa at pag-ibig ng Diyos.

Sa iskwelahan, mas mainam kung ang teachers ay gumagamit ng mga visual aids upang maihatid ang leksyong gusto nilang ituro sa kanilang mga estudyante. Sana, kapag tiningnan tayo ng kapwa natin, hindi po sila magkakamot ng ulo, at magtataka kapag sinabi nating Katoliko tayo. Nawa, sa pamamagitan ng ating pakikipag-kapwa tao, makuha nila sa halimbawa natin na buhay ang mensahe ng Panginoon.

Lalo na sa panahon ngayon ng halalan kung saan kinakailangan ang higt na pang-unawa, kahinahunan at pag-ibig. Sana, tayong mga Kristiyano ang maging halimbawa at tanda ng awa ng Diyos.

Sa araw ding ito, inaalala natin ang ating mga ina—iyong mga kapiling pa natin, at maging iyong mga sumakabilang buhay na. Sila na unang nagpahatid sa atin ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng init ng kanilang pagmamahal.

Sa pagdiriwang ng ating Eukaristiya, itinataas natin ang kanilang intensyon, at gayundin ang isang mapayapa at tapat na halalan bukas.

FIN Concludes its Provincial Chapter 

PC2016 - Group Photo

The Provincial Chapter concluded with the celebration of the Holy Mass today invoking the intercession of St. Dominic Savio whose feast we commemorate today.

In his homily, Fr. Paul Bicomong asked the chapter members to recall their very first experience in the Salesian house and their encounter with the first Salesians they met. He related this to the first encounter of Dominic Savio and Don Bosco and pointed out how Don Bosco wove a beautiful fabric for the Lord in Dominic. He challenged them to do the same in the young people they encounter.

He congratulated the capitulars for their work and asked them to continue praying so that the Provincial Chapter may bear fruit.

signatures

After the homily, the chapter members affixed their signatures as an expression of their approval for the final documents, a concrete output of their five days of prayer, reflection and deliberations.

All chapters members voted for the final documents which will be submitted to the Generalate.

voting

One of the distinctive marks of this chapter is that it is almost paperless. Most of the chapter members accessed the digital form of the documents deliberated on. Online technology allowed them to comment and revise on the document all at the same time.

The recently concluded Provincial Chapter accomplished three outputs: (1) The FIN Implementation of the GC 27, (2) the revision of the Provincial Directory, and the (3) Reshaping the Salesian Presence of the Province.

IMG_4606

Fr. Umijun explains his point in the plenary.