Galit ka?

Picture2

Ang tanong ni Boy, “Galit ka ba?” Ang sagot ni Girl, “Hindi.” Pilit ni Boy, “Galit ka e.” Ang sabi naman ni Girl, “Hindi nga sabi e.” Ang tanong ni Boy, “E bakit hindi ka namamansin?” Sabi naman ni Girl, “Bakit kita papansinin, magkakilala ba tayo?

Nagagalit din ba kayo?

Narinig natin sa Ebanghelyo ang paalala ni Hesus sa bawat isa sa atin: “Bantayan natin ang ating puso.”

Iwasang gumamit ng mga maaanghang na salita na ikakasakit ng damdamin ng iba.
Iwasang magkimkim ng sama ng loob sa ating puso.
Iwasan ang uri ng poot na nagtutulak sa ating gumawa ng karahasan laban sa iba.

Pero, madali ba ito?

Hindi.

Lalo na kung feeling natin hindi kumpleto ang araw natin kung hindi tayo nababad trip sa mundo, kung hindi tayo nagmumura, kung hindi tayo nakakapanakit ng feeling ng iba.

Pero narinig natin ang nangyari kay Propeta Elias sa unang pagbasa (1 Hari 18:41-46). Sa pamamagitan ng kanyang paulit ulit na pananalangin, bumuhos ang ulan na tumapos sa napakahabang tagtuyot. Hinahamon tayong umasa sa tulong ng Diyos.

Mamaya lang, pipila tayo dito para makinabang sa Kanyang Katawan. Ito ang magbibigay ng lakas sa ating maging mahinahon.

Lumapit tayo sa kanya para sa ating pangangailangan.

At kung hindi pa natin nasusubukan, i-try naman natin ang maamong pag-ibig ng Diyos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s