‘Taon ng Tanga’

June 12.jpg

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary

I was on phone the other night with a friend. As usual, he was complaining about a common friend he’d always complain about, over and over again.

Hindi ko na tanda ang mga nirereklamo niya tungkol sa kaibigan namin. At dahil sa tingin kong hindi na naman siya magpapaawat, ang nasabi ko na lang, “Unawain mo na lang, Taon naman ngayon ng Awa.” Ang banat niya, “Oo, Taon ng Awa, pero hindi Taon ng Tanga!”

His remark made me recall what Simon the Pharisee in today’s Gospel remarked when he saw Jesus allowing a woman with ill repute to touch him.

Actually, Luke was keen in his narration of what the woman did to Jesus, she bathes his feet with her tears, wipes them with her hair, kisses them, and anoints them with the ointment.

Sa kultura ng mga Hudyong nagpapahalaga sa paghaplos, paghipo, at paghawak, maiintindihan natin ang pinangggagalingan ni Simon nang sabihin niyang, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kanya – isang makasalanan!”

This remark from Simon, mocking Jesus in its appearance, does make sense. After all, Simon is a Pharisee, who is distinguished by strict observance of the traditional and written law, and as such, he cannot help being finicky when it comes to matters that touch on purity.

Hindi naman dahil mapangmata siya, o ‘di kaya ay kabanal-banalan, pero sa mga Pariseong katulad niya, maingat sila dapat sa mga tao na nilalapitan nila, o ultimo mga bagay na dumidikit sa kanila. Kung marumi ang mga ito, maaaring sila mismo na nadampian lang ng bagay o ng taong ito ay magiging marumi na rin. At kung marumi sila, hindi sila maaaring makasamba kaagad.

Iyon ang konteksto kung bakit ang saloobin ni Simon ay isang pagtatanong kung propeta nga bang talaga si Jesus. Dahil kung tunay si Jesus, malamang narinig na niya ang reputasyon ng babaing ito na pumupupog ng halik sa kanyang mga paa. Sa kultura nila, hindi sila basta basta makakahawak ng kamay ng mga babae, lalo na kung ang babae ay isang bayaran.

Off limits. Madudumihan sila. Hindi na sila makakasamba.

Sa kagustuhan nilang mapalapit sa Diyos, they had to alienate themselves from their neighbors. But God has an uncanny sense of humor. Ang taong itinuturing na off limits sa kuwento ang siya mismong ginawa ng Diyos na halimbawang dapat nating tularan. Ipinakita ng babaeng ito, isang babaeng kilaang makasalanan, kung ano ang dulot sa ating buhay ng pagpapatawad ng Panginoon.

Ito ang backdrop ng ating pagdiriwang ngayong Linggo, ang Panginoong bukas ang puso para sa lahat ng nagnanais na manumbalik sa Kanya.

Sa unang pagbasa, narinig nating kung paano isa-isahin ni Propeta Nathan ang mga magagandang bagay na kaloob ng Panginoon kay Haring David:

  • Itinalaga Siyang hari sa Israel,
  • iniligtas kita sa kamay ng kanyang mga kaaway,
  • Ibinigay sa kanya ang maraming lupain.

Ngunit sa kabila nito, dahil sa kapusukan ni David, nalimutan niya ang lahat ng ito, hindi lamang siya nakiapid sa isang babaeng may asawa. Pinapatay niya rin ang asawa ng babaeng ito upang hindi malaman ang kanyang nagawang kamalian.

This is not just the story of David. This is the story of each of us. We began the Mass admitting that we are sinful, that we are sinners.

And in the story of the first reading, we are given a glimpse of how sin operates in our lives. It deceives us. One sin needs to be covered up by another. And another one. And another one. Until one day, we wake up to the reality that it’s almost impossible to escape from it. We are so weak to kick sin in our lives especially because we have to learn how to un-embrace it, how to let it go. Worse, it is painful to realize that people we consider closest to us leave us one by one.

Thankfully, there is Jesus in the story of David. Thankfully, there is Jesus in the story of our lives.

There is the redeeming value in the first reading, David admitted that he sinned against the Lord. And its very last line is very reassuring: David is forgiven by God. No conditions were given. No terms were set. It was just a sheer act of that divine act we all crave for: compassion.

There, we come to appreciate that forgiveness is a gift. It is not something merited, not worked for, not a fruit of our human efforts. This is reinforced by the letter of St. Paul to the Galatians in our second reading, God has forgiven us through Jesus’s sacrifice on the cross.

Namatay Siya para sa ating lahat. Wala Siyang sinino, itinangi, pinili—inialay Niya ang Kanyang buhay para sa bawat isa sa atin. Kaya naman wala tayong dapat ipagmalaki. Lahat tayo ay pulubi sa Kanyang harapan. Lahat tayo ay nanlilimos ng Kanyang kapatawaran.

Nasa Taon tayo ng Awa. Sige na nga, pwede na ring nating sabihing, Taon ng Tanga. Sapagkat ang Diyos na punong puno ng pag-ibig ay gagawin ang lahat, lahat lahat, pati katangahan, upang ipakita Niya sa atin ang daan pabalik sa Kanya.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s