#Puso

Napakinggan natin sa ating Mabuting Balita (Mateo 22:1-14) ang isang masamang balita—marami ang inanyayahan sa isang salu-salo, ngunit tila wala sa mga ito ang interesadong dumalo.

Ang Banal na Misa ay isang handaan, at araw-araw, inaanyayahan tayo ng Diyos na makisalo dito.   Nakakatuwa, kasi marami akong nakikita sa atin dito na halos araw-araw ay naririto.

Kung tutuusin, sakripisyo din ang pumunta dito. Pwede naman na kung Linggo lang tayo sumimba. Wala namang kaso ‘yun. Hindi tayo nagkakasala kapag ganun ang ginawa natin.

Oo, may kahirapan ding dumalo dito. Kailangang gumising ng mas maaga. Aba, sayang din ang minutong sana ay ginugol natin sa kama para mas mahaba-haba ang tulog. O ‘di kaya naman, ‘yung mga minutong pwede nating iukol sa pagbabalik tanaw natin sa mga nakaraang aralin, o kaya naman ay pwede tayong makipagkuwentuhan sa mga kaibigan natin.

Pero alam natin kung ano ang halaga ng araw-araw na pagtitipon na ito, at ang dahilan ng pagparito natin—ang pagmamahal natin sa Kanya.

Mahalaga ang relasyong mayroon tayo sa Diyos. At dahil mahalaga ang relasyong ito, binibigyan natin ito ng panahon. Binibigay natin ang puso natin dito.

Katulad ng narinig natin sa unang pagbasa (Ezekiel 16:23-28), nawa ang araw-araw nating pagtitipong ito ay maging katuparan ng paanyaya ni Propeta Ezekiel na pagkalooban tayo ng isang bagong puso ng Panginoon: Isang pusong mayroong malasakit para sa iba; isang pusong marunong makinig; at isang pusong marunong magpatawad.

Hilingin natin ang kaganapan nito sa pagpapatuloy ng ating Banal na salu-salo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s