Month: October 2016

Don Bosco’s Recommendations on Vacation

The following are culled from St. John Bosco’s Biographical Memoirs  (pp. 335 -345 of  Volume XIII ).

I don’t recall anyone returning from home to tell me he had behaved better at home than the Oratory, nor do I recall anyone telling me that his vacation had brought him spiritual advantage. On the contrary, every year, I have often had to deplore many falls from grace.

These will make for a true vacation, and, more importantly, a sinless vacation.

  • As soon as you get home, greet your parents, hug them and give them my most heartfelt regards. Respect and obey your parents; do all you can to make them happy.
  • Then, visit your parish priest, give him my regards. Ask him if there is anything you can do around the church while on vacation.
  • The word vacation, from the Latin verb vacare means “to be busy, to be occupied.” You may not be occupied with school, but you should continue to be occupied with work, study or prayer.
  • Keep yourselves always busy and live in God’s presence. Don’t waste your time at home, and, whatever you may do, always remember that Our Lord sees you.
  • While home with your family, help your dad and mom, give them some help: clean the house, set the table, maintain your garden… keep yourself forever busy!
  • Play games with your family: cards, chess, any game you find relaxing.
  • Sleep also a little longer but avoid the “noonday devil” (Ps 90, 6).
  • Be moderate in eating, don’t overeat.
  • As long as there are books to read, read!
  • Read to learn, not just for pleasure. Read useful books.
  • Endeavor to live as good Christians, as you do here at the Oratory:
    o Serve Holy Mass every morning. If you can’t, attend Mass devoutly.
    o To receive Jesus in better disposition, spend some time in meditation.
  • Avoid bad books and bad companions.
  • Avoid laziness.
  • Avoid idleness.

 

Advertisements

Aso

​Mayroon bang matutuwa pag sinabihang “Aso ka!?” Kahit na may mga magagandang katangian ang aso–aso pa rin yun! 

At tao tayo. Kahit na may mga katangian tayong hindi man kapuri-puri–ikararangal pa rin nating tawaging “tao” at hindi “aso.”

Kaya nga mantakin nyo, kung makarating sa isang taong may tumawag sa kanyang aso, sa palagay ninyo ba, matutuwa siya?

Sa ating Mabuting Balita ngayong araw (Lucas 3:31-35), hindi lang basta isang tao ang tinawag na “aso.” Hari ito. At nang huling maiulat sa Bibliyang hindi na siya natutuwa sa pananaway sa kanya ni Juan Bautista dahil nangangalunya siya, pinapugutan niya lang naman ito ng ulo.

Kaya nga maiisip nating tila hindi ma-ingat ang Panginoon sa kanyang pananalita. Hindi din siya tactless. Hindi lang naman kasi ang sarili niya ang dala niya. May mga tagasunod na siyang maaaring maapektuhan sa mga pinagsasabi niya. 

Pero kung tutuusin, sa isang banda, sigurado siya sa kapangyarihan ng Amang nagsugo sa Kanya. Kaya nga, kahit tawagin pa niyang ipis, daga, o langaw ang hari, wala siyang dapat na ikatakot. Hindi Siya dapat mangamba. 

Marahil, ito rin ang hamon para sa bawat isa sa atin. Na maging sigurado sa kapangyarihang taglay ng ating Panginoon. 

Hindi naman sa pagtawag na lang ng kung anu-ano sa kung sino-sino. Pero dapat, mas maging tiyak tayo sa pag-ibig na dulot ng ating Panginoon. Na sana, ito ang ating panghahawakan. Ito ang ating masasandigan. Ito ang unang-unang bagay na maaari nating pagkunan ng lakas ng loob sakaling dadaan man tayo sa mga pagsubok.

Ito ang mismong hamon sa atin ni San Pablo sa panimula ng kanyang liham sa ating unang pagbasa ngayon (Efeso 6:10-20), maging matatag tayo sa Panginoon.

Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng kanyang patuloy na pagpapalaganap ng aral ng Diyos kahit na nakakulong na siya sa piitan. Sige lang–para sa Diyos!

Hilingin natin sa Panginoong bigyan tayo ng tapang upang magampanan natin ang ating tungkulin bilang isang Kristiyano. 

‘Yun bang hindi tayo maduduwag, hindi maninino, hindi mahihiyang ipakilala na Kristiyano tayo sa ating pag-iisip, sa ating pananalita, at sa ating pinag-gagawa.

Ina ng Santo Rosaryo

rosary-banner-2

Litrato mula sa ihradio.com

Narinig natin sa ating unang pagbasa (Gawa 1 : 12-14) na nang nilisan ng Panginon ang ating mundo upang umakyat sa kalangitan, hindi Niya tayo talagang iniwan. Sapagkat naroroon ang mga apostol na kumakatawan sa bagong tatag Niyang Simbahan.

At siyempre, nandoon din kasama nila ang Mahal na Ina.

Patunay lang ito na habang buhay tayo, hindi tayo makaka-graduate talaga sa problema, pero sinisigurado sa ating hinding hinding hindi tayo mag-iisa.

Makakaasa tayo sa tulong ng ating Mahal na Ina. Dahil “napupuno siya ng grasya.” Kaya nga sa Mabuting Balita (Lucas 1:26-38), nagulumihanan man siya, hindi man niya naintindihan ang binalita sa kanya ng Anghel, pero nanalig pa rin siya.

Ngayon, ginugunita natin ang Ina ng Santo Rosaryo, at inaanyayahan tayong huwag mag-alinlangang magtiwala sa pag-ibig ng Panginoon.

Nakita natin ang taglay Niyang kapangyarihan hindi lamang sa buhay ng ating Mahal na Ina, kung hindi, maging sa kasaysayan din ng ating Simbahan.

Noong ika-labing anim na siglo sa mismong araw din na ito, nagkaroon ng labanan sa karagatan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim. Dehado tayo sa laban. Mas madaming ‘di hamak ang bilang ng  barko ng kalaban. Ganun din ang bilang ng kanilang mga sundalo. Naitala din na masama ang lagay ng panahon noong mga araw na iyon.

Ngunit dahil sa pag-gabay ng ating Panginoon sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina, nanaig ang puwersa ng mga Kristiyano.

Sa pamamagitan ng aral na ito na hatid ng kasayasayan, inaanyayahan din tayong magtiwala—tumaya sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos.

Patuloy nating hingin natin ang tulong ng ating Mahal na Inang patuloy niya tayong akayin patungo sa Anak Niyang si Hesus.