Fixing, Mending, Restoring

Here is the homily I delivered this morning at the National Shrine of Mt. Carmel as we begin the first day of the novena in her honor.

Celebrating this Mass on the first day of the novena in honor of Our Lady of Mt Carmel, in her national shrine, is such a great honor for us children of St. John Bosco.

And our being here is a testament to Don Bosco’s love of Mama Mary. I am certain that he is smiling at us from up above.

The theme of fixing, mending, restoring strings the three readings as one.

In the first reading, we heard about Prophet Amos’ announcement that God will rebuild the house of Israel.

Israel committed grave sin against God and this led to its destruction. Ang bunga ng kasalanan ay kapahamakan. At kung nakamamatay ang pagtawid sa EDSA, mas higit pa dito ang dulot ng kasalanan. Ang kaluluwa nating hindi namamatay ay pagbabagain sa apoy ng impyerno, magpasawalang hanggan.  

But despite its sins, Israel is called back to return to the Lord. This is also our experience.

How many times we have offended God when we hurt the people we love? Sinasaksak natin ang puso ng Diyos kapag sinasaktan natin ang ating kapwa. Pinaliliit natin ang Diyos sa buhay natin kapag ang sarili natin ang pinipili nating paglingkuran. At laging nariyan ang tuksong isipin lagi ang sarili, kahit na mapabayaan ang iba. Kapag minumura natin ang kapwa natin, hindi lang sila ang ibinababa natin ang dignidad, pati na rin ang Diyos na may likha sa kanila.  

But similar with the experience of Israel, God continues to call us to return to His embrace. Siya na nga ang nasaktan, Siya pa rin ang nagmamaka-awang bumalik tayo sa Kanyang piling.

Our being here, in this first Saturday of the month, a day we set aside to show our devotion to the Mother of our Lord, is a beautiful way of heeding the Lord’s call to return to Him. Nandito tayo, kasi, gusto rin nating sabihin sa Diyos na gusto nating ayusin ang relasyon natin sa kapwa natin. Na napapagod na tayong maging makasarili, at nais na nating bumalik sa Kanya.

At ang disposisyon naman ng Diyos, parang isang meme sa FB, nagsasabi sa ating, “Uwi ka na… Hindi na ako galit.”

At Peace

We can tell if we are really in the presence of God. There is peace, there is serenity. There are still problems that come. There are members of our families who are sick. There are problems at work. There may be reasons to feel sad, and yet, we are surprised because we are still in peace.  

We are in peace, because we know that we don’t have anything to be worried about. He is present in our lives. He is in command.  

In the Gospel, we heard that the disciples of John the Baptist came to Jesus. That time, their master must have been in prison. And perhaps, they wanted to see Jesus because they needed to be clarified something. Gusto nilang linawin kay Hesus kung bakit parang hindi nangingilin ang Kanyang mga disipulo.

Sa relihiyon kasi ng mga Hudyo, ang pangingilin ay bahagi ng kanilang buhay pananampalataya. Isa itong palatandaan na mabuting tao ang kaharap nila kapag alam nilang ito ay nangingilin.

And for them, the disciples of Jesus appear different. Maybe because they are always seen eating everywhere.

To this question, Jesus responded with three metaphors:

First, He used the imagery of a wedding feast, second, the metaphor not putting a piece of new cloth on an old garment, and finally, a new wine is not to be placed into old wineskins.

These three metaphors direct us to put some orders in our life. Ang buhay Kristiyano ay hindi isang buhay na bara bara, mema at walwalan 24/7.

Our Christian life ought to observe a sense of balance. The ancient Greek philosopher Aristotle puts it this way, a virtue is such because it stands in the middle. Hindi dapat sobra, hindi rin dapat kulang.

Mahalaga ang kaayusan sa ating buhay, kasi, ang Diyos mismo ang nagpakita ng halimbawang tulad nito.

Nang nilikha Niya ang sanlibutan, mayroon Siyang kaayusang sinundan. Nilikha Niya muna ang liwanag, tapos, ang titirhan ng tao, tapos nilikha din niya muna ang mga hayop na tutulong sa tao, at nang handa na ang lahat, nilikha Niya ang tao.

Kapag walang ayos ang buhay natin, magkakagulo. Ilang gabi lang ang nakalipas nang ang pinapanuod nating basketball ay nagmistulang wrestling na.

Nakakatawa…pero nakakalungkot, hindi ba?

Kapag hindi natin iginagalang ang batas na gumagabay sa atin upang maging maayos ang lipunan, nagiging magulo ang bayan. Nagiging napakamura lang ng halaga ng buhay ng tao. At pati ang katotohanan ay nagmimistulang pana-panahon na lang. Pabago-bago.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi tayo nawawalan ng pag-asa. Kasama natin ang ating Mahal na Ina ng Carmel. Kapag hindi na natin kaya ang ingay at gulo at problema sa buhay, mayroon tayong Nanay na laging naglalakbay kasama natin.

Mamaya, susuotan tayo ng mga iskapularyo ng Mahal na Ina, kalakip ang pangakong hinding hindi tayo maiiwang ulila.

Sa kabila ng kaguluhan ng mundo, ang iskapularyo ay mabisang tanda na may nakalaang plano ang Diyos upang iligtas tayo sa anumang panganib–at maging, sa apoy man ng impyerno.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s