homilies

Aso

​Mayroon bang matutuwa pag sinabihang “Aso ka!?” Kahit na may mga magagandang katangian ang aso–aso pa rin yun! 

At tao tayo. Kahit na may mga katangian tayong hindi man kapuri-puri–ikararangal pa rin nating tawaging “tao” at hindi “aso.”

Kaya nga mantakin nyo, kung makarating sa isang taong may tumawag sa kanyang aso, sa palagay ninyo ba, matutuwa siya?

Sa ating Mabuting Balita ngayong araw (Lucas 3:31-35), hindi lang basta isang tao ang tinawag na “aso.” Hari ito. At nang huling maiulat sa Bibliyang hindi na siya natutuwa sa pananaway sa kanya ni Juan Bautista dahil nangangalunya siya, pinapugutan niya lang naman ito ng ulo.

Kaya nga maiisip nating tila hindi ma-ingat ang Panginoon sa kanyang pananalita. Hindi din siya tactless. Hindi lang naman kasi ang sarili niya ang dala niya. May mga tagasunod na siyang maaaring maapektuhan sa mga pinagsasabi niya. 

Pero kung tutuusin, sa isang banda, sigurado siya sa kapangyarihan ng Amang nagsugo sa Kanya. Kaya nga, kahit tawagin pa niyang ipis, daga, o langaw ang hari, wala siyang dapat na ikatakot. Hindi Siya dapat mangamba. 

Marahil, ito rin ang hamon para sa bawat isa sa atin. Na maging sigurado sa kapangyarihang taglay ng ating Panginoon. 

Hindi naman sa pagtawag na lang ng kung anu-ano sa kung sino-sino. Pero dapat, mas maging tiyak tayo sa pag-ibig na dulot ng ating Panginoon. Na sana, ito ang ating panghahawakan. Ito ang ating masasandigan. Ito ang unang-unang bagay na maaari nating pagkunan ng lakas ng loob sakaling dadaan man tayo sa mga pagsubok.

Ito ang mismong hamon sa atin ni San Pablo sa panimula ng kanyang liham sa ating unang pagbasa ngayon (Efeso 6:10-20), maging matatag tayo sa Panginoon.

Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng kanyang patuloy na pagpapalaganap ng aral ng Diyos kahit na nakakulong na siya sa piitan. Sige lang–para sa Diyos!

Hilingin natin sa Panginoong bigyan tayo ng tapang upang magampanan natin ang ating tungkulin bilang isang Kristiyano. 

‘Yun bang hindi tayo maduduwag, hindi maninino, hindi mahihiyang ipakilala na Kristiyano tayo sa ating pag-iisip, sa ating pananalita, at sa ating pinag-gagawa.

Ina ng Santo Rosaryo

rosary-banner-2

Litrato mula sa ihradio.com

Narinig natin sa ating unang pagbasa (Gawa 1 : 12-14) na nang nilisan ng Panginon ang ating mundo upang umakyat sa kalangitan, hindi Niya tayo talagang iniwan. Sapagkat naroroon ang mga apostol na kumakatawan sa bagong tatag Niyang Simbahan.

At siyempre, nandoon din kasama nila ang Mahal na Ina.

Patunay lang ito na habang buhay tayo, hindi tayo makaka-graduate talaga sa problema, pero sinisigurado sa ating hinding hinding hindi tayo mag-iisa.

Makakaasa tayo sa tulong ng ating Mahal na Ina. Dahil “napupuno siya ng grasya.” Kaya nga sa Mabuting Balita (Lucas 1:26-38), nagulumihanan man siya, hindi man niya naintindihan ang binalita sa kanya ng Anghel, pero nanalig pa rin siya.

Ngayon, ginugunita natin ang Ina ng Santo Rosaryo, at inaanyayahan tayong huwag mag-alinlangang magtiwala sa pag-ibig ng Panginoon.

Nakita natin ang taglay Niyang kapangyarihan hindi lamang sa buhay ng ating Mahal na Ina, kung hindi, maging sa kasaysayan din ng ating Simbahan.

Noong ika-labing anim na siglo sa mismong araw din na ito, nagkaroon ng labanan sa karagatan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim. Dehado tayo sa laban. Mas madaming ‘di hamak ang bilang ng  barko ng kalaban. Ganun din ang bilang ng kanilang mga sundalo. Naitala din na masama ang lagay ng panahon noong mga araw na iyon.

Ngunit dahil sa pag-gabay ng ating Panginoon sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina, nanaig ang puwersa ng mga Kristiyano.

Sa pamamagitan ng aral na ito na hatid ng kasayasayan, inaanyayahan din tayong magtiwala—tumaya sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos.

Patuloy nating hingin natin ang tulong ng ating Mahal na Inang patuloy niya tayong akayin patungo sa Anak Niyang si Hesus.

Padre Pio

download

David Herbert Lawrence, widely regarded as one of the most influential writers of the 20th century, beautifully conjures this line, “Death is the only pure, beautiful conclusion of a great passion.”

We see the concrete reality of this on how the first Pope of the Catholic Church breathed his last: he was crucified upside-down.

But that’s already how the life of Peter ended. Equally interesting is his reason of how he managed to offer his life for the sake of following Jesus.

In our Gospel passage today (Luke 9:18-22), we heard how St. Peter was able to identify who Jesus really is: the Messiah of God.

Of course, the Holy Spirit, must have revealed this truth to Peter. But we could also say that Peter also invested his time to know Jesus a lot deeper. His friendship with Jesus made him capable of identifying how Jesus is different from his other friends.

To speak of friendship with Jesus can sound so cozy and warm and harmless, as if God doesn’t do anything but to give all of us a group hug.

However, Paul Wadell, one of my favorite authors, warns us that it is dangerous to be a friend of God. This is so, because friends have expectations of each other and because every friendship changes us.

There may be grace and glory in being a friend of God, but there is also clearly a cost. Peter paid the price of his friendship with Jesus by his life.

Today, we commemorate St. Padre Pio. He was born in 1887, a year before Don Bosco had to leave for heaven. Padre Pio, too, had to pay a dear price because of his friendship with Jesus. When he was still alive, he had to bear the wounds of Jesus on his hands. Technically called stigmata, St Francis of Assiss and other saints also endured these wounds.

But more than the pain inflicted by his stigmata, it is the cruelty and harassment he received from unbelievers caused him to suffer more.

No less than the Church authorities forbade him to celebrate Mass publicly since he had started to attract the attention of many.

But when they found out that all his claims were truthful, he was given the signal to return to the public ministry.

We, too, are called to nurture our friendship with Jesus. Isn’t it one element of our Salesian spirituality Friendship with Jesus?  But, let me remind you, there is a price we have to pay.

Perhaps, it’s far from being crucified upside-down, nor be given a gift of stigmata, but we are expected to behave like our friend Jesus behaves: patient with one another, kind to others, merciful, polite, gentlemanly, and compassionate.

Let the oft quoted reminder of Don Bosco “Do your ordinary duties, extraordinarily well” become our life principle.

May this Eucharistic celebration remind us that Jesus Himself paid such a costly price so that He could keep us beside Him. So that we could enjoy His friendship.

May our thoughts, words and deeds today show that we value our friendship with Jesus.

Ang Hamon ng ating Pagiging Kristiyano

Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon–K

18 Setyembre 2016


​Nang bininyagan tayo, hindi lang tayo naging bahagi ng Simbahan. Tinanggap din natin ang responsibilidad na tularan ang ating Panginoon. Ipinagkatiwala sa bawat isa sa atin ang hamong itatag ang Kaharian ng Langit kahit na nandito pa lang tayo sa lupa. 

Bnibigyang diin ng ating liturhiya ngayong Linggo ang misyon nating ito bilang mga Kristiyano.  

Sa unang pagbasa (Amos 8:4-7), pumapaimbabaw ang tinig ni Propeta Amos sa pagpapa-alala sa ating huwag maging ganid sa salapi. Bagamat nakatuon ang kanyang atensyon sa mga mangangalakal na nandaraya sa kanilang paninda sa pamamagitan ng pag-gamit ng maling takalan at pandaraya sa timbang sa mga mamimili, ang paalalang ito ay tumimo rin sa ating puso. 

Baka naman, kahit na hindi kailangan, nagta-trabaho pa rin tayo sa araw ng Linggo, at lalo na kung dahil sa trabaho ay hindi natin nahaharap ang ating tungkuling magsimba sa Linggo. 

Huwag naman sana.

Hindi lang ang mga dukha at api sa lipunan ang dapat nating abutan ng katarungan, ng justice—ang katarungan din ay ang pagtutuon ng panahon sa pag-samba sa Diyos na makapangyarihan.    

Sa ating pagsamba sa Panginoon, ipinapaalala sa atin ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa (1 Timoteo 2:1-8), na dalhin natin ang intensyon ng ating mga pinuno. Kalugod-lugod ito sa Panginoon. Marami ang bumabatikos sa pangkasalukuyang pamumuno ng ating pamahalaan. At sa siping ito ng liham ni San Pablo, inaanyayahan tayong ipanalangin ang ating mga pinuno, hindi lamang “upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal,” higit sa lahat, upang makapamuhay tayo nang “may kabanalan.”

Nang naparito sa ating bansa ang Santo Papa noon lang nakaraang taon, muli niya tayong hinimok na magsilbing ilaw ng pananampalataya para sa kontinente ng Asya na hindi pa kumikilala kay Kristo. 

Sana, sa halimbawa natin bilang isang bayan, maging tunay tayong tagapagtaguyod ng Ebanghelyo. 

Sa kuwento ni Hesus sa ating mabuting balita ngayong Linggo (Lucas 16:1-13), mayroon din Siyang tila ini-endorsong isang mabuting halimbawa. Pero magtataka tayo marahil, kasi para atang bad example ang napili Niyang halimbawa.  Sa kuwento kasi, hindi ito tapat, walang honesty, mandaraya!

Ngunit hindi ang pandaraya ang tinutukoy ng Panginoon, kung hindi, ang kanyang pagiging creative, pagiging malikhain, sa pagsasalba ng kanyang sarili sa panganib na sasalubong sa kanya sakaling matanggal siya sa puwesto. 

Ito ang aspetong binibigyang diin ng Panginoon—na kung sana, magiging ganito rin tayo ka-‘creative’ sa pagbuhay ng ating pananampalataya upang ma-ganyak ang ibang tularan tayo. 

Maraming taon na ang nakakaraan, may kasama akong kaibigan sa isang malaking mall. Napadako kami sa shelf kung saan nandoon naka-posisyon ang mga condoms. Tila inagaw ng atensyon ng kaibigan ko ang pagkaganda-gandang wrappers ng mga ito. Parang candy. Napakakukulay. Magaganyak pati ang mga musmos na batang kunin at bilhin ito. 

Tapos, naibulalas ng kaibigan ko, sana ganito rin tayo ka-creative pagdating sa pagpapakalat ng Ebanghelyo.   

Sa ating pagdalo sa Misa ngayong Linggo, sana ay hilingin natin sa Diyos ang tanging inspirasyon na magpapatibay sa ating pananampalataya sa Diyos upang lalo itong maging kaakit-akit para sa iba. Nang sa gayon, tunay tayong makakatupad sa ating tungkuling ipalaganap ito sa iba. 

Change

Change-e1360817035602

Graphics lifted from http://www.selfstairway.com

The #changeiscoming became one of the hottest trending items in Twitter on June 30, with the inauguration of Rodrigo Duterte.

Heraclitus, one of the philosophers of the Greek antiquity, was convinced that the only constant thing in the world is change.

But there seems to be a controversy in today’s Gospel (Luke 5:33-39). Apparently, not everyone is happy with change—some are obviously resisting it.

We heard that some people went to Jesus to tell Him that they observed the disciples
of John the Baptist, and even of the pharisees—fast often, but the disciples of Jesus does not.

To answer this question, Jesus proposes a double analogy of the new cloth and new skins which refers to the newness of the Gospel. In the time of Jesus, they did not store wine in bottles. They used containers made of animal skin instead, which is more portable.

However, wine skins had to be treated with care, since the leather became worn over time and could easily break, especially if filled with new wine.

Jesus is the new wine. His teachings are revolutionary at that time—and even up to now! Let’s have a quick review of His teachings: Love your enemies, pray for those who persecute you, do not judge, and if you want to become a leader, learn to serve!

In the first reading (1 Corinthians 4:1-5), we heard from the letter of St. Paul to the Corinthians a reminder to heed these teachings. We are challenged to become visual aids of the love of God by becoming servants of Jesus.

‘Yun bang hindi mo na kailangang buksan ang bibig mo para madinig nila sa iyo ang pangalan ni Kristo. Pero sa pamamagitan ng iyong halimbawa, nakikilala nila ang galaw ng Diyos sa buhay mo.

Our dear grade 10 students, you are on this stage of your life in which change is very much felt. Some of you now are the leaders of the clubs, not only a few are given heavier responsibilities. At the end of the school year, you will feel it more because you will realize that some of the members of your batch will have to look for other schools where they will continue their schooling.

I pray that you will have an ever open attitude for change. People acknowledge that one great trait of Bosconians is their flexibility—in sports, in technical matters, even in winning the attention of the girls. But I hope that this flexibility is extended to the realm of your soul so that you could welcome Christ there. So that He could create wonders in you and through you.

In this first Friday of the new month, as we honor the Most Sacred Hart of Jesus, and as we continue with our Eucharist, let us beg the Lord to grant us a greater love for Him so that we could become true Bosconians in the mind of St. John Bosco: good Christians, upright citizens.

 

Heaven

Saturday of the Fifth Week of Easter
30 April 2016

There’s this saying that “A man without a culture is like a zebra without stripes.”

Culture here should not be reduced as mere ‘refinement’ or ‘class,’ for it is more than these. Culture is the very fabric which influences us as a nation. But then again, we also influence it in return.

Think of the expressions which have seeped into our common lingo, “Ikaw na!” or “E di wow!” or “#hugot.” I am not here to assess whether they are good or bad. But this is my point, they have found a way, or better yet, we have allowed them entry to become part of our culture.

We’ll be able to appreciate the first reading (Acts 16:1-10) if we have a working knowledge of the culture of the Jews in the time of the first Christians. We heard that Paul wanted Timothy to join him in his missionary expedition. And in order for Timothy to be efficient in proclaiming the Gospel, Paul had him circumcised.

In the context of the 21st century civilization, nobody cares if one is circumcised or not. But circumcision heavily matters for the Jews, then, and even now. And for someone who claimed that he belonged to God, he needed to have a proof that indeed, he is one. For them, circumcision is an unmistakable evidence that one represents God. This would ensure Timothy’s acceptability to the Jews whom they would be evangelizing.

This is where the genius of Paul lies. His passion to propagate the Gospel transformed him to become someone who is sensitive to the dictates of the culture, yet without compromising the demands of the Gospel.

By virtue of the sacrament of baptism we received, we are not only expected to preach the Gospel. It is our duty to live it, in both our words and deeds.

Benedict XVI reminds us that the world offers us comfort. But lest we forget, we are not made for comfort. We were made for greatness.

This is why perhaps Christ in our Gospel today (John 15:18-21) prompts us to the truth that we do not belong to this world. In his letter to the Philippians (3:20), Paul confidently claims that heaven, not earth, is our home.

However, more than geographical, our Lord Jesus highlights the fact that because we are not of this world, our destiny should not be different to that of His. He too did not belong to “this world.” He too was hated. It is to be expected that being a believer will incite others against us.

The concept of Christians being persecuted is not a thing of the past.

Let us not just think of our Christian brothers and sisters in the middle east whose lives and limbs are in great danger because of the ISIS. Let us not just think our Christian brothers and sisters who cannot freely express their love for Jesus in countries which forbid this.

Let us also consider ourselves. We who are Christians in a country where Christianity is very much in the air we breathe. But we run the risk of not giving importance to it because it is just there.

Let us beg Jesus to strengthen us so that we could continue to preach His Gospel through our lives and that He may fill our hearts always with the thought that we are not of this world. This leads us to be more conscious of our baptism, and of our identity, and of our real abode.

Heaven.

Ang Bagong Utos

Ika-5 Linggo ng Muling Pgkabuhay—K
24 Abril 2016

April 24

Graphics by Asp. Paul Lopez, Don Bosco Seminary Canlubang 

May isang kaibigan akong nakausap nito lang. Taga-ibang bansa siya. Sa gitna ng tila pagong na usad ng trapiko, at sa dami ng hinanakit niya tungkol sa mga kalyeng hindi madaanan, sa sagwa ng serbisyo publikong natikman niya sa pamamalagi sa bansa natin, naibulalas niya, “Parang walang gobyerno ang Pilipinas.”

Mabilis akong nag-isip upang ipagtanggol ang bansa. Pero nanatiling tikom ang bibig ko; batid kong may punto siya. Kaya nga hindi din nakakapagtakang  isa sa pinakamatunog na political slogans ngayong halalan ay “Change is coming.”

Pero sa pagkakaalam ko, hindi naman ngayon lang sumulpot ang tema ng slogang ito. Bata pa lang ako, isinisigaw na ang “never again” o kaya naman ay yung mas pamilyar na “tama na, sobra na, palitan na.”

Kung tutuusin, ang bawat isa naman sa atin ay may hinihinging pagbabago. Ito rin ang masasalamin natin sa ating liturhiya ngayong Linggo.

Sa unang pagbasa (Gawa 14:21-27), si Pablo at Barnabas ay masugid na bumisita sa mga Kristiyanong komunidad na itinatag nila. Humirang din sila ng mga mamumuno sa mga ito upang higit itong maging matibay. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. Ang paalala nila, “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila.

Marahil, isa ring mahalagang aralin ito para sa atin. Kung gusto natin ng pagbabago at kaayusan, kailangan nating magsakripisyo upang makamtan ito. Kung iniisip nating nasa isang tao lang nakasalalay ang pag-unlad ng bansa, mali ata ito. Tayong mga sumisigaw ng disiplina ay siyang dapat na manguna sa pagpapakita nito sa iba. Naka-park ba ng maayos ang sasakyan mo? Hindi ka ba nang-uumit ng mga bagay sa opisina at inuuwi mo sa inyo?

Mahirap na bagay ito, pero simulan natin sa ating mga sarili ang pagbabago.

Sa ikalawang pagbasa (Pahayag 21:1-5a), nakatanaw si Juan ng isang pangitain. Tumambad sa kanyang paningin  ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating pamilyar na lupang kanilang nilakaran. Bago na ang lahat. Ngunit ang pinakamalaking aspeto ng pagbabagong kanyang namalas ay ang pananahan ng Diyos sa piling ng mga tao! Hindi lamang Siya nakatanaw sa malayo upang magmasid. Siya na ngayon ay  nananahan kasama nila.

Ito ang pangako ng pangitaing ito “makakapiling nila nang palagian ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila. At papahirin niya ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”

Tila isang politikal na talumpati ito. Ngunit ‘di tulad ng pangako ng iba, alam nating ang Diyos ay tapat sa Kanyang pangako. Tayong umaasam ng pagbabago ay dapat humingi ng tulong sa Panginoon. Ang Diyos na lumikha sa atin ang Siyang tanging may kakayahang baguhin ang puso natin. Manalig tayo sa Kanyang hindi Niya tayo pababayaan.

Sa pagtatapos ng Mabuting Balita (Juan 13:31-33.34-35), mayroong bagong kautusang inihatag ang Panginoon: Mag-ibigan kayo!

Pero kung tutuusin, wala namang bago dito. Hindi nga ba’t ang buod ng 10 Utos ng Diyos ay  pag-ibig? Pagmamahal sa kapwa. Ultimo ang mga kapaid nating hindi naniniwala kay Kristo bilang Diyos o maging ang mga kapatid nating walang pinaniniwalaang diyos ay nagsusumikap na magmahal. Ano nga ba ang bago sa utos na ito ng Panginoon?

Ito ang bago sa kautusang ito ng Panginoon, “Kung paanong inibig Niya tayo, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” Ang panuntunan ng pag-ibig sa iba ay hindi nagmumula sa atin, o sa katangian ng iba, ngunit nanggagaling sa mismong Panginoon natin.  Siya ang criterion ng pagmamahal.

Kaya nga kung nagpapatawad Siya ng paulit-ulit, dapat nagsisikap din tayong magmahal na nagbubunsod sa ating magpatawad ng paulit-ulit. ‘Yung pagmamahal Niya ay walang kondisyon, walang pagtatangi, walang hangganan. Kung ang Diyos nati’y si Kristo, dapat ganoon din ang kalidad ng ating pagmamahal.

At sa pamamagitan ng ating pagsusumikap na makatugon sa utos na ito ng Panginoon, hindi lamang tayo makikilala bilang isang tagasunod Niya, mahahayag din ang karangalan Niya.