Uncategorized

Bagong Buhay kay Kristo!

Here’s the text of the reflection I shared with our Lay Mission Partners  in our penitential service earlier.

We have begun last Sunday the holiest of the liturgical season, the Holy Week.

Ang Holy Week sa Spanish ay ‘Semana Santa’ … Ang tawag naman natin sa Tagalog dito ay mga Mahal na Araw. Ano kaya ang masasabi ng mga Filipino teachers? Parang hindi ‘ata swak ang pagsasalin … Hindi ba’t dapat ay ‘banal na mga araw’ ang salin sa ‘holy week?’

Pero marahil, kaya ‘mahal na araw’ ang tawag natin dito ay dahil ‘mahal.’

Sa mga araw na ito naganap ang pagbabayad para sa ating kaligtasan dahil sa ating mga kasalanan.

At ang kabayaran, ay ang mismong buhay ng Anak ng Diyos. Mahal ang mga araw na ito dahil sa ‘pagmamahal ng Diyos.’ Sa mga araw na ito, inaanyayahan tayong minsan pa, saksihang muli ang rurok ng pagmamahal na ito ng Panginoon.

During the first ever general audience of Pope Francis in 2013, he asked these questions:

“What does it mean for us to live the Holy Week? What does it mean to follow Jesus on His way to the Cross on Calvary and the Resurrection?” 

For him, to celebrate the Holy Week means increasingly to enter into God’s logic, which is the logic of the Cross. This is not first of all relates to pain and death, but of love and of self-giving that brings life.

Tapang

Narinig natin ang tagpo ng pagdurusa ni Hesus sa halamanan. Narinig natin kung paanong si Hesus mismo ay dumanas ng pagkatakot na mamatay.

Sino ba dito ang hindi natatakot mamatay? O ‘di ba, lahat tayo ay may takot sa kamatayan. Kung kaya, nang manalangin si Hesus sa halamanan, wika Niya, Ama kung maari, alisin mo na ang kalis na ito. Huwag mo nang ibigay sa akin.

Ipinakikita ni Hesus na hindi Siya naiiba sa atin. Niyakap Niya ang buong pagkatao natin. Niyakap Niya ang Takot … Pangamba …  Tukso … Pati nga kamatayan.

Ngunit, hindi dito natapos ang panalangin ni Hesus. Dugtong pa Niya, “Ngunit, Ama, hindi ang kalooban ko ang siya nawang masunod, kung hindi ang sa Iyo.”

Ito ang tunay na katapangan: Ang kusang loob na pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.

Ang tunay na matapang na tao ay kilala ang sarili niya. Hindi siya ang Diyos.

Paghihirap

Meron kaming kapitbahay na masama ang ugali. Nang kumalat ang balitang nagkasakit siya ng cancer, iisa ang reaksyon ng mga tao, “Pinaparusahan siya ng Diyos.”

Ngunit ang sakit ba, ang kahulugan ba ng paghihirap ay bunga ng parusa ng Diyos?

Kung totoo iyon, siguro, lahat tayo ay tatamaan ng cancer.

Ngunit ito lang ba ang kahulugan ng paghihirap? Isang pasakit? Isang pagdurusa? Isang parusa?

Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Hesus sa krus, binasag niya ang maling konsepto natin ng paghihirap. Ipinakita Niya sa atin na ang pagpapakasakit ang siyang tanda
ng tunay na pag-ibig.

Marami sa atin, para makapasok dito sa Don Bosco, sinasagupa ang tagal at hirap ng paghihintay at pagpila ng masasakyan. Dagdag pa dito ang napakahabang traffic.

Bilang mga guro, hindi lingid sa atin kung gaano kahirap ang pagbuo ng lesson plan, ang pagpupuyat sa gabi para mag check ng requirements at mag compute ng grades.  Ang haba ng pasensiyang kakailanganin para sa pagtuturo.

Ang lahat ng pasakit na ito ba ay isang parusa lang? O may mas higit na malalim na kahulugan ang paghihirap nating ito?

Sinong tao ang gustong maghirap? Wala. Pero ginagawa natin ang lahat ng ito para sa isang mas malalim na layunin: Pag-ibig. Para sa pamilya. Para sa mga kabataan. Para sa bayan at Simbahan.

Ang pagpapakasakit ang tanda ng tunay na pag-ibig. At pag-ibig ang tunay na kahulugan ng makabuluhang pagpapakasakit.

Pagsunod kay Hesus

Matapos nating makita ang katapangan at pagsunod ni Hesus, pagnilayan naman natin ang nararapat nating tugon sa halimbawa Niya.

Mamaya, sa pagdulog natin sa sakramento ng kumpisal, ipapamalas natin ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng tapang na harapin ang ating mga kamalian.

Hindi madali ang prosesong ito dahil may kasamang sakit. Ito’y karanasan ng isang pagpapakasakit, at kamatayan sa sarili.

Ang proseso ng pag-amin sa ating kahinaan sa harap ng Diyos at maging sa harap ng tao ay masakit. Nangangagat kasi ang katotohanan.

Kung kaya, kailangan ng tapang at ng kahandaang magdusa. Pero bakit nga ba tayo dudulog sa sakramentong ito? Dahil ba takot tayo sa apoy ng impiyerno? O kaya naman ay para makapila tayo sa komunyon mamaya? O dahil sa pag-ibig?

Let us search within our hearts.

If it is love, I can assure you that it will bear fruit. For love is the reason why Jesus courageously confronted suffering and faced death. And He gives us the assurance that all those who are willing to suffer courageously for love will achieve the glory of the resurrection.

In these last days of our preparation for Easter, let us journey with Jesus, not only in His suffering and death, but follow Him in His resurrection.

Naroroon ang pangako ni Hesus na sinumang aakapin ang paghihirap ay dadalhin Niya sa paraiso.

Ang kumpisal ay hindi lamang karanasan ng paghihirap at kamatayan, ngunit ito rin ang unang hakbang patungo sa muling pagkabuhay … at bagong buhay kay Kristo.

‘Halika’t Tingnan mo’

Narinig natin sa Mabuting Balitang (Juan 1:43-51) pagkatapos na pagkatapos na tawagin si Felipe ng ating Panginoon upang himukin siyang sumunod sa Kanyang mga yapak, kaagad niya itong ibinalita sa kaibigan niyang si Nataniel.

Pero tila hindi ata madaling ma impress si Nataniel.

Hindi siya bilib na mayroong mabuting bagay na nagmumula sa bayang pinanggalingan ng ating Panginoon—lalong higit, kung ang tagapagligtas na kanilang hinihintay ay dito magmumula. Hindi naman kasi kilala ang Nazareth. Hindi man lang ito nabanggit kahit na isang beses sa Lumang Tipan. Hindi rin ito kilala ng kahit na sinong eksperto sa sinaunang kasaysayan.

Pero si Felipe, hindi na nagpatuloy sa pangungumbinsi sa kaibigan. Sa halip, ang sabi nito “Halika’t tingnan mo.”

Marahil, napilitan lang sumama si Nataniel dahil sa pagkakaibigan nila ni Felipe.

At ito marahil ang nais iwan sa atin ng Mabuting Balita bilang isang mahalagang aralin para sa ating nagsusumikap na umakay sa mga kaibigan natin patungo kay Kristo: Let us not win them by arguments. Let us convince them by our example that will enable them to see Jesus.

Ito rin ang diwa ng Unang Pagbasa (1 Juan 3:11-21). Ang liham sa atin ni San Juan ay humahamon sa ating mag-ibigan, hindi lamang sa pagsasabi ng “mahal kita” ng ating mga labi, ngunit higit pa dito, dapat ay ipinapahayag ito ng ating pag-gawa.

Kung isinasabuhay mo ang iyong pagiging Kristiyano, nagpupumilit kang magmahal, hindi lamang sa pamamagitan ng dila, kung hindi, sa pamamagitan din ng iyong pag-gawa.

At kung ganito ang iyong naging gawi, hindi mo na kailangan pang makipagtalo pa sa mga kaibigan mong hindi naniniwala sa Diyos.

Hindi nila kailangang mapakinggan sa iyong mga labi na pinananampalatayaan mo ang Diyos. Pero kailangan nila itong makita sa buhay mo.

At kung magkakaganito, sila na mismo ang mag tatanong kung anong mayroon sa iyo na wala sila. At sa ganitong paraan, katulad ni Felipe, maaari mo ring sabihin sa kanila, “Halika’t tingnan mo.”

 

Ina ng Hapis

ol-and-jesus-on-crossIsang araw pagkatapos ng pagtatampok sa krus, ginugunita naman natin ngayon ang ang ating Mahal na Ina, ang Ina ng Hapis, si Maria.

Anng tradisyong ito ng pag-aala-ala sa Ina ng Hapis ay nagsimula pa noong ika-labing apat na siglo, at tumutukoy sa pitong pangyayari sa buhay ng ating Panginoong nagdulot ng pasakit sa kanyang puso.

Tampok sa ating Ebanghelyo ngayon ang isa sa pitong ito. Narinig natin na nang nakabayubay ang Panginoong Hesus sa krus, naroroon si Maria sa paanan nito.

Matipid ang detalyeng binigay sa atin ni San Juan (Juan 19:25-27).

Hindi niyo  inilarawan kung ano nga ba ang ginagawa ni Maria sa pagkakatayo sa baba ng krus—hindi natin narinig kung umiyak nga ba siya, o kaya naman ay kung sinumbatan niya yung mga nagparusa sa Anak niya.

Ang tanging detalye lang na narinig natin ay naroroon siya sa paanan ng krus, kasama ng ating Panginoong dahang-dahang binabawian na ng buhay.

Sinasalamin ng ating Mahal na Ina ang pangaral ni San Pablo sa unang pagbasa (1 Kor 15:1-11).

Si Hesus ang naging sandigan ng kanyang buhay. At ang hapis na naramdaman niya ay hindi naging sagabal upang huminto siya sa pagsunod sa Panginoon. Ang kanyang pag-ibig kay Kristo ay higit na matimbang pa kaysa dito.

Sa Eukaristiyang ito, ipanalangin nating matularan natin ang ating Mahal na Ina sa kanyang halimbawa ng pagsunod sa Panginoon, kahit na alam nating may kapalit ito, kahit na alam nating may sakripisyong naghihintay sa atin sa pagsunod sa Kanya.

Dahil sa kabila ng lahat, ang Misang ito ay isang pag-gunita sa Kanyang pag-aalay ng buhay para sa inyo at para sa akin.

Change

Change-e1360817035602

Graphics lifted from http://www.selfstairway.com

The #changeiscoming became one of the hottest trending items in Twitter on June 30, with the inauguration of Rodrigo Duterte.

Heraclitus, one of the philosophers of the Greek antiquity, was convinced that the only constant thing in the world is change.

But there seems to be a controversy in today’s Gospel (Luke 5:33-39). Apparently, not everyone is happy with change—some are obviously resisting it.

We heard that some people went to Jesus to tell Him that they observed the disciples
of John the Baptist, and even of the pharisees—fast often, but the disciples of Jesus does not.

To answer this question, Jesus proposes a double analogy of the new cloth and new skins which refers to the newness of the Gospel. In the time of Jesus, they did not store wine in bottles. They used containers made of animal skin instead, which is more portable.

However, wine skins had to be treated with care, since the leather became worn over time and could easily break, especially if filled with new wine.

Jesus is the new wine. His teachings are revolutionary at that time—and even up to now! Let’s have a quick review of His teachings: Love your enemies, pray for those who persecute you, do not judge, and if you want to become a leader, learn to serve!

In the first reading (1 Corinthians 4:1-5), we heard from the letter of St. Paul to the Corinthians a reminder to heed these teachings. We are challenged to become visual aids of the love of God by becoming servants of Jesus.

‘Yun bang hindi mo na kailangang buksan ang bibig mo para madinig nila sa iyo ang pangalan ni Kristo. Pero sa pamamagitan ng iyong halimbawa, nakikilala nila ang galaw ng Diyos sa buhay mo.

Our dear grade 10 students, you are on this stage of your life in which change is very much felt. Some of you now are the leaders of the clubs, not only a few are given heavier responsibilities. At the end of the school year, you will feel it more because you will realize that some of the members of your batch will have to look for other schools where they will continue their schooling.

I pray that you will have an ever open attitude for change. People acknowledge that one great trait of Bosconians is their flexibility—in sports, in technical matters, even in winning the attention of the girls. But I hope that this flexibility is extended to the realm of your soul so that you could welcome Christ there. So that He could create wonders in you and through you.

In this first Friday of the new month, as we honor the Most Sacred Hart of Jesus, and as we continue with our Eucharist, let us beg the Lord to grant us a greater love for Him so that we could become true Bosconians in the mind of St. John Bosco: good Christians, upright citizens.

 

Paradox

images

Graphics courtesy of kenwytsma.com

“Ang karunungan ng mundo ay isang kahangalan” ang nakuha kong buod sa ating unang pagbasang galing sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto (1 Kor 3:18-23).

Pero kung mapapansin n’yo, tila magkasalungat ang dalawang salita sa pahayag na ito: karunungan at kahangalan.

Ang tawag dito ay paradox, sa Tagalog ata’y kabalintunaan ang tawag nila dito. Ito ‘yung mga pahayag na wari’y magkasalungat ang kahulugan.

Halimbawa:
– Ang simula ng katapusan.
– Less is more.
– Ang alam ko lang, wala akong alam.

Pero kung susuriin, mayroong karunungan taglay ang paradox. May katotohanang nagsusumigaw sa pahayag na ito: Maging kritikal sa mga aral na hatid ng mundo. At paka-iingat lang ang nagsasabing maalam siya, dahil ang totoo’y nangunguna siya sa kamangmangan.

Ang kabanata ng buhay ng ating Panginoong napakinggan sa ating Mabuting Balita ay isang halimbawa din ng paradox (Luc 5:1-11).

Aba naman! Siya pang isang karpintero ang nagturo sa mga babad sa laot kung paanong manghuli ng isda!   Naubos ang buong magdamag nila sa laot. Pero nang gabing iyon, inalat sila. Wala silang nahuling isda.

Naghuhugas na sila ng lambat nang datnan sila ni Hesus. Inutusan Niya silang bumalik ulit sa dagat para maglayag. At ganun nga ang ginawa nila. Hindi sila makapaniwala, dahil sa dami ng huli nila—halos masira ang lambat na gamit nila!

Kaya nga kung tayo sila, malamang mas maeengganyo pa tayong bumalik ulit sa dagat pagkatapos madala sa palengke ang napakaraming huli… Para manghuli pa ulit. Pero, isang paradox ulit, hindi ganun ang kanilang ginawa. Iniwan nila ang kanilang lambat, ang kanilang bangka, ang dagat upang sumunod kay Hesus. Sapagkat, sabi nga ng unang pagbasa, “Ang karunungan ng mundo ay isang kahangalan.”

Sa ating pagdiriwang ng banal na Eukaristiya sa unang araw ng bagong buwan, hilingin natin sa Diyos na makilala ang Kanyang karunungan at sundan ang Kanyang tawag kahit na wari’y kabalintunaan ito, kahangalan, sa mata ng mundo.

 

SYM Philippines all set for Local WYD Celebrations Tonight

The Salesian Youth Movement (SYM) of the Daughters of Mary Help of Christians (FMA) and Salesians of Don Bosco (SDB) in the FIN Province has cooked up a local World Youth Day (WYD) celebration to coincide with the WYD celebrations taking place in Poland.

The organizers wanted only 500 participants due to the limited space of Don Bosco Sta Mesa in Manila, but around 700 are expected to come after the on-line registration.

The catechetical talk, patterned after the WYD theme “Blessed are the Merciful” will be delivered by Fr. Joji Inocentes, SDB.

The FMAs and the SDBs will each have its God Academy which aims to serve as a resource center for vocational discernment among the young people.

Other “academies” include the Family Academy, which zeroes in on the importance of the family. Film Academy, which features the lives of WYD patron saints, Sports and recreation, Cafe FM, which deals on the millenial culture and volunteerism among the young people.

SDB priests have been invited to help the participants in the Sacrament of Reconciliation.

Way of the Cross and Adoration are also lined up for the participants to re-acquaint them with the merciful stance of the Father. Praise and worship concert will take place just before midnight for the participants.

This is an overnight event that will hook up with the WYD celebrations in Poland in real time when the Pope addresses the young people gathered there.

The event will conclude tomorrow with a Eucharistic celebration to be officiated by Fr. GC Carandang, SDB, past SYM Salesian delegate who was himself a WYD delegate in Rio de Janeiro in Brazil.